17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 16

tulong na samahan at lahat ng iba pang yunit sa loob ng kaharian

ng Diyos, sa apat na dahilan:

Una, na ang bawat samahan ay dapat magkaroon ng tiyak na

gagawin, at hindi nito dapat panghimasukan ang iba, na tila ba

sinasabi ng mata sa kamay na, “Hindi kita kinakailangan.”

Pangalawa, na ang bawat dibisyon ay magkapareho ang halaga

sa gawain ng kaligtasan, tulad ng kahalagahan ng bawat bahagi

ng katawang pisikal sa buong pagkatao.

Pangatlo, upang ang lahat ay mapabanal o maturuan na magkakasama;

at

Pang-apat, upang mapanatiling perpekto ang sistema, o sa madaling

salita, upang sa balangkas ng plano ng Panginoon sa pagsasaayos

ng kaligtasan ng kanyang mga anak, ang Simbahan ay

makaganap tulad ng katawan ng tao na perpektong isinaayos, kasama

ang pagkilos ng bawat miyembro batay sa nilayon dito. 14

Minsan, noong mga nakaraan, binalikan natin ang paggawa ng

mga bagay na tila nagbibigay-diin sa ating pananagutan sa mga

programa sa halip na sa mga miyembro ng Simbahan. Hinihimok

namin ang lahat ng kasangkot. . .na sundin ang pangunahing

atas batay sa layunin ng lahat ng ito: “ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan

at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises

1:39). Sa tuwina, kung nais natin ng sukatan ng pagiging karapat-dapat

ng programang ito o ng programang iyon: itinataguyod

ba nito ang pag-unlad ng indibiduwal tungo sa layuning iyon

na buhay na walang hanggan sa kinaroroonan ng Ama? Kung

hindi, at wala itong kinalaman sa pag-unlad ng indibiduwal tungo

sa layuning iyon na buhay na walang hanggan, hindi ito dapat

himukin sa Simbahan. 15

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Bakit mahalaga na sa lahat ng ginagawa natin sa Simbahan ay

alalahanin natin ang pinakalayunin ng Simbahan—“ang isakatuparan

ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan

ng tao”? (Moises 1:39).

178

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!