17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

215

KABANATA 19

nabi niya sa ina na, “Sabihin n’yo po sa Itay na nasa maayos

akong kalagayan. Ayaw ko na pong mamighati pa kayo.”

Pagkatapos ay sinabi ni Pangulong McKay na ang punto niya

ay mas madali nating madama ang mga bagay na iyon kapag nagpapahinga

tayo sa isang pribadong silid. Sa pagkakaalam niya

ang pinakamaiinam na kaisipan ay dumarating pagkagising niya

sa umaga habang nagpapahinga at iniisip niya ang mga gagawin

sa maghapon. Doon dumarating nang malinaw ang mga impresyon

na tila nakaririnig siya ng tinig at ang mga impresyong iyon

ay tama. Kapag nababagabag tayo sa isang bagay at balisa ang

ating pakiramdam, ang mga impresyong iyon ay hindi dumarating.

Kung namumuhay tayo sa paraan na hindi magulo ang ating

isipan at malinis ang ating konsiyensiya at maganda ang pakiramdam

natin sa isa’t isa, ang pagkilos ng espiritu ng Panginoon

sa ating espiritu ay katulad lamang ng pagdampot natin sa telepono;

ngunit kapag dumating ang mga ito, tandaan ninyo ito,

kailangang malakas ang ating loob upang gawin ang mungkahing

hakbang. ...

Sana ay matandaan ninyo iyan—gayundin ang gawin ninyo.

Mag-ukol ng oras sa pagmumuni-muni. Maraming ulit kayong

makasasagupa ng mga problema, na ang mga kalutasan ay malalaman

sa espirituwal na paraan. 9

Huwag maging masyadong abala na wala na kayong panahon

para magmuni-muni. Mag-ukol ng panahon. Ang pinakamahalagang

patotoo ay di nakikita ng mga mata, kundi sa pamamagitan

ng patotoo sa kalooban. Maaaring mas malapit si Cristo kaysa sa

batid natin. “Ako ay nasa gitna ninyo, at hindi ninyo ako nakikita.

Ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng tiyak na patotoo. Ang aking

mga mata ay nakatuon sa inyo. Ang araw ay malapit nang dumating

at malalaman ninyo na ako nga.” [Tingnan sa D at T 38:7–8.] 10

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!