17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 13

“At tuturuan din nila ang kanilang mga anak na manalangin, at

magsilakad nang matwid sa harapan ng Panginoon.” [D at T 68:25,

28.] 11

Ang pinakamabisang sandata natin laban sa kasamaan ng daigdig

sa ngayon, maging anuman ang mga ito, ay ang di-natitinag

na patotoo sa Panginoon at Tagapagligtas, si Jesucristo. Turuan

ang inyong maliliit na anak habang nakaluhod silang kasama

ninyo at lalaki silang matatag. Maaaring maligaw sila, ngunit ang

inyong pagmamahal at inyong pananampalataya ang magbabalik

sa kanila. 12

Dapat tandaan ng mga magulang na kailangan silang magsikap

nang buong katapatan, upang matiyak na walang mga batugan,

na ang mga anak ay hindi lalaki sa kasamaan, at sa halip

ay maturuan na tapat na hangarin ang mga kayamanan ng kawalang-hanggan,

upang ang kanilang mga mata ay hindi mapuno

ng kasakiman (tingnan sa D at T 68:30–31). Iyan ngayon

ang responsibilidad ng ama at ina. Ibinibigay ng Panginoon sa

mga magulang ang pangunahing tungkulin ng pagtuturo sa mga

pamilya. 13

Dapat maituro sa bawat bata na siya’y anak ng mga banal na

magulang at tungkulin ng bawat bata na matutong kumilos tulad

ng isang anak na lalaki o anak na babae ng Diyos upang sa sandali

ng pangangailangan ay makapanalangin siya at maging karapat-dapat

sa mga kabutihang-loob na dapat lamang tanggapin ng

isang matapat na anak.

Dapat ituro sa bawat anak na ang kanyang katawan ay templo

ng Diyos at kung gibain ng sinuman ang templo ng Diyos ay gigibain

siya ng Diyos [tingnan sa I Corinto 3:16–17].

Dapat matutuhan ng bawat anak na ang sapat na pananampalataya

tungo sa pagiging perpekto ay makakamtan lamang sa pamamagitan

ng pagsasakripisyo. Maliban na matutuhan niyang

isakripisyo ang kanyang mga hilig at hangarin ng laman bilang

pagsunod sa mga batas ng Ebanghelyo, siya ay hindi magiging

dalisay at banal sa harapan ng Panginoon.

Dapat maturuan ang bawat anak na igalang ang mga sagisag

ng mga sagradong bagay at igalang ang awtoridad sa tahanan, sa

Simbahan, at sa pamayanan.

146

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!