17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 11

Nawa’y masigasig kayong magsikap at magabayan sa paghahanda

ng inyong sarili upang makamtan ang mga walang kapantay

na kayamanang ito sa bahay ng Panginoon. 4

Tayo’y may dalawang uri ng paghahayag: May mga paghahayag

na masasabing nagbubukas ng mga paghahayag, tulad ng mga

nakasulat sa Doktrina at mga Tipan at sa iba pang dako, na maaaring

ibigay sa daigdig. At mayroon din tayo ng maaari nating sabihing

mga saradong paghahayag. Ang mga ito’y ibubunyag at

ibibigay lamang sa mga sagradong lugar na inihanda para sa paghahayag

ng mga pinakamataas na ordenansa na nakapailalim sa

mga Pagkasaserdoteng Aaron at Melquisedec, at ang mga ordenansang

iyon ay nasa bahay ng Panginoon. 5

Noon pa mang 1841, inihayag na ng Diyos kay Joseph Smith

na “walang dako na matatagpuan sa mundo na siya ay maaaring

magtungo at ibalik muli yaong nawala sa inyo, o yaong kanyang

kinuha, maging ang kaganapan ng pagkasaserdote. ...

“Sapagkat minarapat ko na ihayag sa aking simbahan ang mga

bagay na pinanatiling nakatago bago pa ang pagkakatatag ng daigdig,

mga bagay na nauukol sa dispensasyon ng kaganapan ng

mga panahon.” (D at T 124:28, 41.)

Ang mga paghahayag na ito, na inilaan para sa at itinuro lamang

sa matatapat na miyembro ng Simbahan sa mga sagradong

templo, ang bumubuo ng tinatawag nating “mga hiwaga ng

Kabanalan.” Sinabi ng Panginoon na ipinagkaloob Niya kay

Joseph “ang mga susi ng mga hiwaga, at ang mga paghahayag na

tinatakan. . . .” (D at T 28:7.) Bilang gantimpala sa matatapat, ipinangako

ng Panginoon na: “At sa kanila aking ipahahayag ang lahat

ng hiwaga, oo, lahat ng nakakubling hiwaga ng aking

kaharian mula noong una. . . .” (D at T 76:7.). . .

Sa mga isinulat ni Propetang Joseph Smith ay matatagpuan

ang paliwanag sa tinatawag na mga hiwagang ito na bumubuo sa

sinasabi ng Propeta na banal na endowment. Bahagi ito ng sinabi

niya:

“Ginugol ko ang maghapon sa gawing itaas ng tindahan, sa sarili

kong tanggapan. . .na nakikipagpulong [kasunod ay binanggit

niya ang mga pangalan ng ilan sa mga pinuno noong una].

Tinuruan ko sila sa mga alituntunin at orden ng Pagkasaserdote,

120

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!