17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

39

KABANATA 4

yong mga paa at gabay sa inyong landas, na magtuturo sa inyo

ng lahat ng bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng bagay at

magpapakita sa inyo ng mga bagay na darating. 12

Sinabi ng Panginoon: “At ito ang aking ebanghelyo—pagsisisi

at pagbibinyag sa pamamagitan ng tubig, at pagkatapos ay darating

ang pagbibinyag ng apoy at Espiritu Santo, maging ang Tagaaliw,

na nagpapakita ng lahat ng bagay, at nagtuturo ng mga mapayapang

bagay ng kaharian.” (D at T 39:6.)

Kapag nasa isang tao ang kaloob ng Espiritu Santo, nasa kanya

ang kinakailangan upang ipahayag sa kanya ang bawat alituntunin

at ordenansa ng kaligtasan na patungkol sa tao rito sa mundo. 13

Naaangkop na sabihin na kapag ang isang tao ay nabinyagan

ng tubig at tinatanggap ang mga pagpapala ng Espiritu sa pamamagitan

ng papapatong ng mga kamay, na ito ay isang bagong

pagsilang. Ito ay isang bagong pagsilang sapagkat siya ay kinuha

mula sa espirituwal na kamatayang iyon patungo sa kinaroroonan

ng isa sa Panguluhang Diyos, maging ang Espiritu Santo.

Kaya nga sinasabi namin sa inyo “Tanggapin ang Espiritu Santo”

noong kayo ay pinagtibay. Ang kaloob na iyon ay ibinibigay sa

matapat na naniniwala at umaasang matamo ang pagpapalang

iyon, ang karapatang makasama ang isa sa Panguluhang Diyos

upang mapagtagumpayan ang espirituwal na kamatayang iyon. 14

Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog ay sumasagisag

sa kamatayan at paglilibing ng makasalanang tao; at ang pagahon

mula sa tubig, ay ang pagkabuhay na mag-uli sa isang

bagong espirituwal na buhay. Pagkatapos ng pagbibinyag, ang

mga kamay ay ipinapatong sa ulo ng naniniwalang nabinyagan,

at siya ay binasbasan upang matanggap ang Espiritu Santo. Sa gayon

natatanggap ng bininyagan ang pangako o kaloob ng

Espiritu Santo, o ang pribilehiyong maibalik na muli sa kinaroroonan

ng isa sa Panguluhang-Diyos; sa pamamagitan ng pagsunod

at sa kanyang katapatan, ang isang lubos na pinagpala ay

maaaring makatanggap ng paggabay at patnubay ng Espiritu

Santo sa araw-araw niyang paglakad at pagsasalita, tulad din noong

nakasama at nakausap ni Adan ang Diyos sa Halamanan ng

Eden, ang kanyang Ama sa Langit. Ang makatanggap ng gayong

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!