29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Ang kautusan ng Diyos naging panloob na pagnanais sa halip na isang panlabas na titik ng kautusan.

Ang layunin ng isang maka-Diyos, matuwid na tao ay nananatiling magkatulad, ngunit ang

pamamaraan ay nagbabago. Ang nalugmok na sangkatauhan ay pinatunayan sa kanilang sarili na

hindi sapat na maging aninag na larawan ng Diyos. Ang suliranin ay hindi sa kasunduan ng Diyos,

ngunit ang pagiging makasalanan at mahina ng tao (cf. Roma 7; Galacia 3).

Ang katulad na pag-igting (tensyon) sa pagitan ng walang pasubali at may pasubaling mga

kasunduan sa OT ay nananatili sa NT. Ang kaligtasan ay lubos na walang bayad sa natapos na

gawain ni Hesu Kristo, ngunit kailangan nito ang pagsisisi at pananampalataya (kapwa sa panimula at

pagpapatuloy). Ito ay kapwa isang legal na pagpapahayag at isang panawagan sa pagiging katulad ni

Kristo, isang nagpapahiwatig na kapahayagan ng pagtanggap at isang utos sa kabanalan! Ang mga

mananampalataya ay hindi naligtas sa pamamagitan ng kanilang pagsusumikap, ngunit para sa

pagsunod (cf. Efeso 2:8-10). Ang maka-Diyos na pamumuhay ay naging ang katunayan ng

kaligtasan, hindi ang paraan ng kaligtasan. Gayunman, ang walang hanggang buhay ay may kapunapunang

mga katangian! Ang pag-igting (tensyon) ay maliwanag na makikita sa Hebreo.

“sampung utos” Sa literal ito ay nangangahulugang “sampung mga salita” (BDB 797 NA KAYARIAN

182) at kilala in Griyego bilang ang Sampung Utos. Sila ay lubhang maiksi, isang buod ng kapahayagan

ng Diyos (cf. Exodo 20; Deuteronomio 5).

“kaniyang isinulat” Ang Diyos mismo ang nagsulat (antromorpiko, tingnan ang Natatanging Paksa sa

2:15) ng “sampung mga salita” (cf. Exodo 31:8; 32:15-16). Sa pagpapaliwanag ng pagiging literal ng

pahayag na ito ay hindi nakakaapekto sa pagka-Diyos ng pinanggalingan ng mga kautusan!

“dalawang tapyas na bato” Mula sa mga natuklasan kamakailan at ang tinatawag nating mga

Kasuduan ng Suzerain Heteo (ika-2 libong-taon B.C.), alam nating na sumusunod ang Deuteronomio sa

kanilang balangkas at anyo. Sa aking palagay ang “dalawang mga tapyas” ay tumutukoy sa dalawang,

wastong mga sipi ng Sampung Utos na kailangan ng mga huwaran ng tratado (kasunduan) (gayundin ang

pagtatala ng isang nakalipas ng pagkilos ng pangunahing kapangyarihan na gumagawa ng kasunduan,

i.e., Deuteronomio 1-4). Ito ang nagtatatag ng pagkamakasaysayan ng Deuteronomio. Tingnan ang

panimula sa aklat, VII.

4:14 “upang inyong mangagawa” Ito ay hindi sapat upang malaman ang kalooban ng Diyos para sa

iyong buhay, ngunit gagawin ito (cf. vv. 1,2,5,6; Lucas 6:46; Santiago 2:14-20).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 4:15-20

15 Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang

anyo nang araw na magsalita ang PANGINOON sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy: 16 Baka

kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis

ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae, 17 Na kahawig ng anomang hayop na nasa

lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid, 18 Na kahawig

ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim

ng lupa: 19 At mag-ingat na baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong

makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay

mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng PANGINOON ninyong Diyos sa

lahat ng mga lungsod na nasa silong ng buong langit. 20 Nguni't kinuha kayo ng PANGINOON, at

hinango kayo sa hurnong bakal, sa Ehipto, upang kayo'y maging sa kaniya'y isang bayang

mana, gaya sa araw na ito.

72

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!