29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

hilaga hanggang sa lupain ng Basan.

“Salcha” Ang lungsod na ito ay tila binubuo ng timog-silangang hangganan ng Basan at kadalasang

ginamit, sa tabi ng Bundok ng Hermon, upang italaga ang saklaw ng Basan (cf. Josue 12:5; 13:11; I

Cronica 5:11).

3:11 Ito ay tila isang pang-editoryal na puna, tulad ng 2:10-12,20; 3:9.

“Rephaim” Ito ay maaaring mangahulugang (1) isang pang-etnikong pangkat; (2) mga dambuhala; o (3)

ang nasasakupan ng patay. Ang konteksto dito ay tila nagsasalita patungkol sa mga dambuhala. Tingnan

ang Natatanging Paksa sa 1:28.

NASB, NKJV “ang kaniyang higaan ay higaang bakal”

NRSV, NJB “ang kaniyang higaan, higaang bakal”

TEV

“ang kaniyang kabaong, gawa sa bato”

REB

“ang kaniyang sarkopago ng batong basalto”

Ang salita (BDB 793) ay karaniwang nangangahulugang “isang kwadrong kahoy.” Ito ay

maaaring ginamit sa isang balag, sopa, higaan, upuan, silya/trono. Dito ito tumutukoy sa isang lugar sa

pagtulog:

1. higaan - II Samuel 17:28; Job 7:13; Mga Awit 6:6; 41:3; Amos 6:4

2. sopa - Kawikaan 7:16

3. kabaong (sarkopago, i.e., isang huling hantungan ng pamamahing/pagtulog)

Ito ay maaari na ang “bakal” ay tumutukoy sa basaltong bato na kulay sarkopago (cf. NET Bible, p. 350).

NIDOTTE, tomo 1, p. 741, ay nagsabing, “walang pampanitikang pangtulong para sa mungkahing ito ay

isang sarkopago o dolmen.”

“Rabbah” Ito ay ang kabisera ng kaharian ng Ammon (cf. Josue 13:25). Ito ngayon ay ang kabisera

ng Jordan, Amman.

“siko ng isang lalake” Ito sa literal ay, “para sa kubit ng isang lalaki,” na isang kataga para sa isang

“pamantayang kubit.” Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: ANG KUBIT

Mayroong dalawang kubit (BDB 52, KB 61) sa Bibliya. Ang karaniwang kubit ay ang haba sa

pagitan ng daliri at siko ng isang katamtamang tao, na kadalasang nasa 18 pulgada (e.g., Genesis 6:15;

Exodo 25:10,17,23; 26:2,8,13,16; 27:1,9,12,13,14,16,18; Mga Bilang 35:4,5; Deuteronomio 3:11).

Mayroon ding isang mas mahabang kubit (maharlikang kubit) na ginagamit sa konstruksyon (i.e.,

templo ni Solomon), na pangkaraniwang sa Ehipto (i.e., 21 daliri), sa Palestino (i.e., 24 daliri), at

minsan sa Babilonya (i.e., 30 daliri). Ito ay halos 21 pulgada ang haba (cf. Ezekiel 40:5; 43:13).

Ang mga sinauna ay gumagamit ng mga bahagi ng katawan ng tao para sa pagsukat. Ang mga tao

sa sinaunang Near East ay gumagamit ng:

1. haba mula sa siko hangang sa panggitnang daliri (kubit)

2. lapad mula sa inunat ng hinlalaki hanggang sa maliit na daliri (dangkal, cf. Exodo 28:16;

39:9; I Samuel 17:4)

3. haba sa pagitan ng apat na daliri ng isang nakasarang kamay (damak, cf. Exodo 25:25;

37:12; I Mga Hari 7:26; II Cronica 4:5)

4. haba ng panggitnang pinagdudugtungan ng daliri (lapad ng daliri, Jeremias 52:21)

Ang kubit (BDB 52, KB 61) ay hindi lubusang naisunod sa pamantayan, ngunit mayroong

58

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!