29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

1. tribu ni Levi (lagi)

2. mga anak na lalake ni of Aaron (madalas)

Lahat ng mga saserdote ay mga Levita, ngunit hindi lahat ng mga Levita ay mga saserdote.

“sa lahat ng matanda” Ito ay tumutukoy sa mga matatanda sa tribu. Sa talatang ito si Moses ay

inalalagak ang kautusan sa mga relihiyoso at sekular ng Israel (i.e.,pantribung) mga pinuno. Gayunpaman,

sa realidad, lahat ng mga pinuno ng Israel at mga kautusan ay kinakikitaan bilang relihiyoso

(i.e.,kalooban ni YHWH). Walang sekular laban sa sagradosa Israel. Lahat ay sagrado sapagkat lahat

ay nagmumula kay YHWH! Mayroong mga espesyal na mga araw at espesyal na mga lugar, subalit

lahat ng sa buhay ay pinaghaharian ng banal na mga atas!

31:10 Mayroong dalawang mga petsa ang tinukoy sa talatang ito:

1. ang isa ay bawat taon, ang Kapistahan ng Kubol

a. Exodo 23:16-17; 34:22

b. Levitico 23:33-43

c. Deutronomio 16:13-15

2. ang isa ay sa bawat ikapitong taon (i.e., ang taon ng Sabbath)

a. Exodo 23:10,11

b. Levitico 25:1-7

c. Deutronomio 15:1-6

Dito si Moses ay nagdadagdag ng regular na mga ritwal sa pagbabasa ng tipan.

Ang mga Kapistahan ng mga Kubol ay isang taunang pangyayari na nagnanais na ipaalala sa Israel

ang mapagbiyaya at makapangyarihang mga gawa ng pagpapalaya ni YHWH mula sa Ehipto at Kanyang

probisyon at presensya sa panahon ng paglalagalag sa ilang. Ang kapistahan na ito ng pasasalamat para

sa pagtutubos/kalayaan, gayndin ang kalayaan mula sa utang na seremonya, ay nangyayari tuwing

ikapitong taon (i.e., Sabbath na taon, cf. Levitico 25). Ang kombinayob ng dalawang mga kalayaang

pangyayaring ito ay isang perpektong panahon upang repasuhin ang Mosaik na kautusang tipan kasama

ng mapagbiyaya, at tipanang Diyos!

NATATANGING PAKSA: MGA KAPISTAHAN NG ISRAEL

I. Ang Mosaik na Taunang mga Kapistahan (cf. Exodo 23:14-17; Levitico 23; Bilang 28;

Deutronomio 16)

A. Lahat ng mga lalakeng Hudyo ay kinakailangan na makadalo ng tatlong taunang mga pista

(cf. Exodo 23:14,17; 34:23) kung posible.

B. Ang mga kapistahan na ito ay may agrikultural, at gayundin ang pambansang kahalagahan.

C. Bawat isa ay araw ng pahinga, pagsamba, at pangkomunidad na pakikisama.

D. Ang tatlong kinakailanga taunang mga kapistahan

1. Paskuwa (cf. Exodo 12:1-14,21-28; Levitico 23:4-14; Bilang 28:16-25; Deutronomio

16:1-8)

a. pasasalamat at dedikasyon sa pag-aani ng sebada

b. inaalala ang Exodus

c. ito ay sinusundan ng isang walong araw na Kapistahan ng Walang Asing

Tinapay (cf. Exodo 12:15-20; 34:18-20)

2. Pentekost (Kapistahan ng mga Linggo, cf. Exodo 23:16; 34:22)

a. pasasalamat at dedikasyon ng pag-aani ng trigo

b. inaalala ang pagbibigay ng Torah kay Moses sa Bundok Sinai sa pamamagitan ng

rabinikal na pagtatiyanta

346

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!