29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NJB

“isang pagsasakdal ng kawalang-pananampalataya”

Ang Hebreong termino (BDB 694 II) ay kadalasang nangangahulugang “isang mapanghimagsik na

saloobin na naging isang pagkilos,” cf. 13:5; Jeremias 28:16; 29:32. Dito, ang konteksto ay

nagpapahiwatig ng may layunin, pinaghandaang pagsisinungaling.”

19:17 “mga saserdote at ng mga magiging hukom” Ito ay tumutukoy sa:

1. Mga pang-lokal na hukom, 16:18-20; 17:8-13

2. Levitang mga saserdote ng punong sambahan (dambana), 18:1-8

Pansinin ang pagharap sa mga itinalagang hukom ay katulad ng pagharap kay YHWH (cf. 17:9,12).

19:18 “sisiyasating masikap ng mga hukom” Tingnan ang tala sa 13:15. Ito ay katulad nasalita (BDB

405, KB 408, Hiphil PAWATAS NA TIYAK) na ginamit din sa 17:4.

19:19 “gagawin mo nga sa kaniya, ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid” Ito ay

isang halimbawa ng “ating inaani kung ano ang ating itatanim (ihahasik)” o “isang mata-para sa-isang

mata” na katarungan (cf. Levitico 24:19).

19:20 “maririnig niyaong mga natitira at matatakot” Mayroong panlipunang pagpapahinto ng

pansariling kaparusahan ng komunidad (cf. 13:11; 17:13).

19:21 Tingnan ang tala sa v. 13. Ang “mata-para sa-mata” katarungan ng Israel, na tila lubhang marahas

(i.e., Lex taliomis, na katangian din ng Kodigo ni Hammurabi, tingnan ang Old Testament Times, ni R. K.

Harrison, pp. 57) ay sa katotohanan ay nangangahulugang ihinto ang “mga paghihiganting away” sa

pagitan ng mga pamilya at mga angkan gayundin ang pagpapanatili ng pangritwal na kalinisan ng

pangkasunduang bayan ng Diyos.

Ang isa ay nagtataka patungkol sa kung paaano maipapatupad na literal ang kautusang ito. Tila ang

pisikal na pagsira ay napalitan ng karampatang kabayaran. Ito ay nakabatay sa nakapalibot na konteksto

na katulad sa Exodo 21:23-25. Ang madaliang pagpapauna at pagsunod sa konteksto ay isinasaalangalang

ang kabayaran. Ang huli, ang mga rabi ay nagtalaga ng karampatang kabayaran para sa mga

pagkilos na nagbubunga ng pansariling pagkawasak, Gayunman, ang pagpatay ng tao, ay nananatiling

ipinagbabawal sa relihiyon. Ito ay may salunggat na epekto sa kasunduan ng mga pagpapala mula kay

YHWH at kailangang isaalang-alang nang nararapat!

MGA TALAKAYANG TANONG

Ito ay isang komentaryong gabay sa pag-aaral, na nangangahulugan na ikaw ay may pananagutan sa

iyong sariling interpretasyon sa Bibliya. Ang bawat isa sa atin ay dapat lumakad sa liwanag na mayroon

tayo. Ikaw, ang Bibliya, at ang Banal sa Espiritu ay pangunahin sa interpretasyon. Hindi mo dapat iasa

ito sa taga-pagsuri.

Ang mga talakayang tanong na ito ay inihanda upang tulungan kang mag-isip sa pamamagitan ng

mga pangunahing paksa sa bahaging ito ng aklat. Ito ay nangahulugang dapat maging mapukaw-isip,

hindi pang kahulugan lamang.

1. Bakit itinatag ng Diyos ang mga lungsod ng kanlungan

2. Ipaliwanag ang konsepto ng “tagapaghiganti ng dugo.”

3. Paano tinatanganan ng mga Hebreo ang panunumpang walang katotohanan

4. Ano ang layunin ng “mata-para sa-mata” na katarungan

240

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!