29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

4:3 “Baal-peor” Ito ay tumutukoy sa lugar na kung saan ang mga Israelita ay tumalikod kay YHWH at

sumunod sa mga dioys ng pagpapayabong ng Moab (cf. Mga Bilang 25:1-9).

4:4 “kayong umayon sa PANGINOON” Ang Hebreong salitang “hawakan,” “kakapit” (BDB 180) ay

isinalin bilang isnag PANDIWA sa NASB. Ito ay ang kasalungat ng “sumunod pagkatapos” sa v. 3 (i.e.,

Ba’al). Ang PANDIWANG anyo ng salitang ito ay ginamit:

1. Sa pagsama sa asawang babae sa Genesis 2:24

2. Sa pagsama ni Ruth kay Naomi sa Ruth 1:14.

Ito ay nagpapakilala ng isang saloobin ng katapatan o pangako. Ito ay ginamit na kahalintulad sa “pagibig”

sa Genesis 34:3; I Mga Hari 11:2; Kawikaan 18:24 (tingnan ang NIDOTTE, tomo 1, p. 911).

Kahit na sa pagpili ng Diyos, mga tao kailangang tumugon na naaangkop. Kahit sa pagpili ng Diyos,

ang Israel bilang Kanyang pangsaserdoteng bansa (cf. Exodo 19:5-6), ang bawat isa ay kailangang piliin

ang Diyos. Ito ay isang pagtitimbang sa pagitan ng kapangyarihan ng Diyos at malayang pagpili ng tao.

Ito rin ay pagtitimbang ng panglahatan (“kayo” PANGMARAMIHAN) laban sa pang-isahang (“bawat-isa sa

inyo”) pagtugon.

Walang PANDIWA sa v. 4; ang MAKADIWANG palagay ay nabatid sa pamamagitan ng dalawang MGA

PANG-URI (BDB 180, 311).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 4:5-8

5 Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos

sa akin ng PANGINOON kong Diyos upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong

paroroonan upang ariin. 6 Ingatan nga ninyo at inyong isagawa sa kanila; sapagka't ito ang

inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga

palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam

na lungsod. 7 Sapagka't anong dakilang bansa nga ang may diyos na napakalapit sa kanila, na

gaya ng PANGINOON nating Diyos kailan man tayo'y tumawag sa kaniya 8 At anong dakilang

bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong

kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito

4:5

NASB, NRSV “Narito”

NKJV “Tiyak”

TEV ------

NJB

“Tingnan”

Ito ay isang Qal PAUTOS (BDB 906, KB 1157). Ito ay isang pampanitikang paraan ng

pagpapahayag na si Moises ay nakatupad sa kanyang pananagutan at ngayon ang bayan kailangang

tumugon na naaangkop.

4:6

NASB “Ingatan nga ninyo at inyong isagawa sila”

NKJV “samakatuwid ay ingatang gawin sila”

NRSV “Kailangan mong isagawa sila ng may kasiglahan”

TEV “Sundin sila ng may pagtitiwala”

NJB “Ingatan sila, ilagay sila sa pagsasanay”

Mayroong dalawang MGA PANDIWA sa pariralang ito:

1. “ingatan” (BDB 1036, KB 1581, Qal GANAP), na nangangahulugang “itago,” “magbantay,” o

“mangalaga.” Ang PANDIWANG ito ay kadalasang ginagamit sa Pentateuch (Deuteronomio, cf.

2:4; 4:2,6,9,15,23,40; maraming ibang mga pangalan)

2. “isagawa” (BDB 793, KB 889, Qal GANAP) ay nangangahulugang “gawin” o “tuparin.” Ang

67

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!