29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

II.

B. Ito ay nag-uugnay presensiya ng Diyos sa mga bagay, mga lugar, mga panahon, at mga tao.

Ito ay hindi ginamit sa Genesis, ngunit naging pangkaraniwang sa Exodo, Levitico, at Bilang.

C. Sa propesiyang panitikan (lalo na sa Isaias at Osea) ang personal na sangkap ay nauna nang

ipinakilala, ngunit ang hindi binigyang-diin ay nagmumula sa unahan. Ito ay naging isang

paraan ng pagtatalaga ng diwa ng Diyos (cf. Isaias 6:3). Ang Diyos ay banal. Ang Kanyang

pangalan na kumakatawan sa Kanyang katangian ay Banal. Ang Kanyang mga tao na

naghahayag ng Kanyang katangian sa isang nangangailangang mundo ay banal (kung

kanilang sinunod ang kasunduan sa pananampalataya).

D. Ang kahabagan at pag-ibig ng Diyos ay hindi mahihiwalay mula sa teolohikong mga

konsepto ng mga kasunduan, katarungan, at mahalagang katangian. Narito ang pag-igting

(tensyon) sa Diyos patungo sa isang di-banal, makasalanan, mapanghimagsik na

sangkatauhan. Mayroong isang nakakaaliw na artikulo sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng

Diyos bilang “mahabagin” at Diyos bilang “banal” sa Robert B. Girdlestone, Synonyms of

ang Lumang Testament, pp. 112-113.

Ang Bagong Tipan

A. Ang mga manunulat ng NT (maliban kay Lucas) ay mga palaisip na Hebreo, ngunit

naimpluwensyahan ng Koine Griyego (i.e., ang Septuagint). Ito ay ang Griyegong salin ng

OT, hindi Klasikong Griyegong panitikan, kaisipan, o relihiyon ang namamahala sa

kanilang talasalitaan (bokabularyo).

B. Si Hesus ay banal dahil Siya ay Diyos at tulad ng Diyos (cf. Lucas 1:35; 4:34; Gawa 3:14;

4:27,30). Siya ay Banal at Isang Matuwid (cf. Gawa 3:14; 22:14). Si Hesus ay banal dahil

Siya ay walang kasalanan (cf. Juan 8:46; II Corinto 5:21; Hebreo 4:15; 7:26; I Pedro 1:19;

2:22; I Juan 3:5).

C. Dahil ang Diyos ay banal, ang Kanyang mga anak ay dapat maging banal (cf. Levitico 11:44-

45; 19:2; 20:7,26; Mateo 5:48; I Pedro 1:16). Sapagkat si Hesus ay banal, ang Kanyang mga

taga-sunod ay dapat maging banal (cf. Roma 8:28-29; II Corinto 3:18; Galacia 4:19; Efeso

1:4; I Tesalonica 3:13; 4:3; I Pedro 1:15). Ang mga Kristiyano ay naligtas upang

maglingkod sa pagiging katulad (wangis) ni Kristo (kabanalan).

“ng sabbath” Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: ANG SABBATH

Ang salitang ito (BDB 992) ay nangangahulugang “pahinga” o “paghinto sa gawain.” Ang gamit

bilang isang araw ng pagsamba ay nagsimula sa Genesis 2:2-3, kung saan si YHWH gumagamit ng

Kanyang pahinga bilang isang huwaran para sa mga hayop (cf. Exodo 23:12) at sangkatauhan

(pangangailangan ng tao sa isang palagiang palatuntunan ng paggawa, pahinga, at pagsamba). Ang

unang natatanging paggamit sa araw na ito ng Israel sa Exodo 16:25-26 sa pagtitipon ng mana. Ito

samakatuwid ay naging bahagi ng “Sampung Mga Salita” (cf. Exodo 20:8-11; Deuteronomio 5:12-

15). Ito ay isa sa halimbawa na ang Sampung Mga Salita ng Exodo 20 ay bahagyang naiiba sa

Sampung Mga Salita sa Deuteronomio 5. Ang Deuteronomio ay paghahanda sa Israel para sa ang

palagiang, pang-agrikulturang buhay sa Canaan.

5:13 “gawain” Ang mga Kautusang tulad ng vv. 13-14 nagdulot ng paglago sa mga Pasalitang Tradisyon

(cf. Mateo 5:21-48) na naisulat dahil isang tanong tulad ng, “Ano ang gawain” ay naging napakahalaga.

Ang mga rabbi ay nagbalangkas ng isang paraan upang ang matapat Hudyo ay hindi malabag ang

Kautusan. Ang kalabuan ng nakasulat na kautusan ang nagdulot ng paglago ng legalistikong Pasalitang

Kautusan.

96

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!