29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“suhol” Ang suhol ay ginagawa ang dalawang bagay:

1. “ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong” - BDB 734, KB 802, Piel DI-GANAP,

cf. Exodo 23:8; ito ay talinghaga para sa kapangyarihan ng salapi

2. “nagliliko (sa literal ay ‘binabaluktot’) ng mga salita ng matuwid” - BDB 701, KB 758, Piel DI-

GANAP, cf. Exodo 23:8; tandaang ang salitng “makatuwiran” o “matuwid” ay mula ang

salita, “panukat na tambo” o “tuwid na gilid” (tingnan ang Natatanging Paksa sa 1:16).

Karamihan sa mga salita para sa kasalanan sa Bibliya ay isang paglalaro ng salita sa konseptong

ito.

16:20 “Katuwiran” Ang mga salitng “katarungan” sa v. 20 at “katuwiran” sa v. 18 ay mula ang katulad

Hebreo na salitang-ugat (BDB 841), na nagsasabi ng isang pamantayan. Ang isang hukom ay tumahatol

sang-ayon sa pamantayan na nahayag na kalooban ng Diyos (“katarungan, at tanging katarungan”). Ang

pinuno (lokal na at pangsaserdoteng mga hukom) ay kailangang ipakita ang kahabagan, gayunman ang

pagkamakatarungan, ni YHWH (cf. Exodo 23:6-8).

“Susundin mo” Ang PANDIWANG ito (BDB 922, KB 1191, Qal DI-GANAP) ay ginamit na literal sa

Deuteronomio 11:4; 19:6, ngunit dito, ito ay talinghaga ng sistemang panghukuman ng Israel. Ang ibang

matalinghagang paggamit ay matatagpuan sa Mga Awit 34:14; Kawikaan 21:21; Isaias 51:5; at Osea 6:3.

“upang” Ang pag-aangkin ng lupain at ang mga pangako/mga pagpapala ni YHWH ay may pasubali (cf.

4:1,25- 26,40; 5:16,29,33; 6:18; 8:1; 11:8-9,18-21; 16:20; 32:46-47).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 16:21-22

21 Huwag kang magtatanim sa iyo ng Asera ng anomang kahoy sa siping ng dambana ng

PANGINOON mong Diyos, na gagawin mo para sa iyo. 22 Ni magtatayo ka para sa iyo ng

pinakaalaalang haligi; na kinapopootan ng PANGINOON mong Diyos.

16:21 Ang Deuteronomio 16:21, 22 at 17:1 ay isang talataan. Ang talata ay pumapatungkol sa naaangkop

sa mga paraan ng paghahandog ng mga hain. Para sa isang maikling paglalarawan ng Cananeong

pagsamba, tingnan sina Alfred J. Hoerth, Archaeology and the Old Testament, pp. 219-222 at William

Foxwell Albright, Archaeology and the Religion of Israel, pp. 67- 92.

“Huwag kang magtatanim. . . ng Asera ng anomang kahoy” Ang “kahoy” o Asera ay

nagpapahiwatig alinman isang punong kahoy o mga butas na itinataas sa pagsamba entablado ng mga

Cananeo kung saan ang mga inukitang tungkod, o buhay na mga puno ay kumakatawan sa isang babaeng

na inilalagay kasama ng lalaking mga diyos ng pagpapayabong mga diyos. Ito ay sumasagisag sa

pagpapayabong pagsamba. Tingnan ang tala sa 12:3.

16:22 “Ni magtatayo ka para sa iyo ng pinakaalaalang haligi” Tingnan ang tala sa 12:3.

“kinapopootan ng Diyos” Tingnan ang tala sa 12:31.

MGA TALAKAYANG TANONG

Ito ay isang komentaryong gabay sa pag-aaral, na nangangahulugan na ikaw ay may pananagutan sa

iyong sariling interpretasyon sa Bibliya. Ang bawat isa sa atin ay dapat lumakad sa liwanag na mayroon

tayo. Ikaw, ang Bibliya, at ang Banal sa Espiritu ay pangunahin sa interpretasyon. Hindi mo dapat iasa

ito sa taga-pagsuri.

209

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!