29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

maaaring maligtas(cf. Genesis 12:3; sinipi sa Tito 2:14 at I Pedro 2:9). Tingnan ang Natatanging Paksa sa

4:6.

“maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng

balat ng lupa” Ang salitang “pag-aari” (BDB 688) ay nangangahulugang isang natatanging kayamanan

(cf. Exodo 19:5; Mga Awit 135:4; Malakias 3:17). Ang pariralang ito ay inuulit sa Deuteronomio (cf.

7:6; 14:2; 26:18). Pakibasa ang Natatanging Paksa: Ang Pag-ebanghelikong Pagkatig ni Bob sa 4:6!

Mula dito, makikita mo ang aking paraan sa pagpapaliwanag ng Banal na Kasulatan! Ito ay nagpapakita

nagsasamasamang kalagitnaan ng aking pananaw sa mundo (i.e., ang Dakilang Komisyon)!

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 14:3-8

3 Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay. 4 Ito ang mga hayop na inyong

makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing, 5 Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang

lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza. 6 At

bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.

7 Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang

kamelyo, at ang liebre, at ang koneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang

paa; mga marumi sa inyo; 8 At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya,

ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay

huwag hihipuin.

14:3 “Huwag kang kakain” Ang mga talatang 3-21 ay nagpapaliwanag ng Levitico 11:2-19, ngunit may

kaibahan. Ang mga kaibahan na katulad nito ay lubhang mahirap maipaliwanag na nagdudulot ng mga

haka-haka ng maraming mga pinanggalingan. Pansinin ang PANDIWANG “kumain” (BDB 37, KB 46) ay

ginamit ng 17 beses sa kabanatang ito. Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: ANG MGA KAUTUSAN NG PAGKAIN SA OT

Sa aking palagay, ang kautusan sa pagkain (Levitico 11; Deuteronomio 14) ay hindi binigay una sa

lahat para sa kalusugan o pangkalinisang dahilan (i.e., Maimonides, Guide 3:48; Kiddushin 49b

[Talmudikong traktado]), ngunit para sa teolohikong mga kadahilanan. Ang mga Israelita ay hindi dapat

magkaroon ng kaugnayan sa mga Cananeo (cf. Isaias 65:4; 66:3,17). Marami sa mga pamamlakad na

ibinigay sa pamamagitan ni Moises ay kaugnay sa pagkain, pakikisalamuha at mga gawaing pagsamba

ng mga Cananeo (e.g., Exodo 8:23).

Sa katanungan na “ang mga kautusan sa pagkain ba ay patuloy na umiiral kahit na makakatulong

para sa mga mananampalataya ng NT,” Ang aking sasabihin ay Hindi! Hindi! Hindi! Ito ang aking mga

kadahilanan:

1. Itinanggi ni Hesus ang kautusan sa pagkain bilang isang paraan sa paglapit at pagbibigaylugod

sa Diyos, Marcos 7:14-23 (walang alinlangan ang pang-editoryal na puna alinman kina

Pedro o Juan Marcos sa v. 19 ay kapwa kinasihan)

2. Ang partikular na tanong na ito ay ang isyu sa Konseho sa Herusalem sa Mga Gawa 15, na ito

ay pinagpasyahan na ang mga Hentil ay hindi kailangang sundin ang OT pang-kultong mga

kautusan (cf. lalo na sa v. 19). Ang talata 20 ay hindi isang kautusan sa pagkain, ngunit isang

pagbibigay-loob sa pakikipang-ugnayan ng mga mananampalatayang mga Hudyo na maaaring

nasa kanilang mga Hentil na iglesiya.

3. Ang karanasan ni Pedro sa Mga Gawa 10 saJoppa ay hindi patungkol sa pagkain, ngunit

patungkol sa pagtanggap ng lahat sa bayan, gayunman ang Espiritu gumamit ng kawalang

ugnayan ng pagkaing kautusan bilang sagisag sa pagtuturo kay Pedro!

4. Ang pagtalakay ni Pablo ng “manina” at “malakas” mga mananampalataya ay nagbababala sa

185

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!