29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

DAGDAG PABALAT ISA

PANIMULA SA LUMANG TIPAN NA PROPESIYA

I. PANIMULA

A. Pambungad na mga Pananalita

1. Ang nananampalatayang komunidad ay hindi nagkakasundo sa kung paano bibigyan

kahulugan ang propesiya. Ibang mga katotohanan ay naitatag bilang isang

ortodoksiyang posisyon sa buong mga siglo, ngunit hindi ang isa na ito.

2. Mayroong ilang maliwanag na mga yugto ng OT propesiya

a. bago ang monarkiya (bago si Haring Saul)

1) mga indibidwal na tinawag na mga propeta

a) Abraham - Genesis 20:7

b) Moses - Bilang 12:6-8; Deutronomio 18:15; 34:10

c) Aaron – Exodo 7:1 (tagapagsalita ni Moses)

d) Miriam - Exodo 15:20

e) Medad at Eldad - Bilang 11:24-30

f) Deborah - Hukom 4:4

g) di-pinangalanan - Hukom 6:7-10

h) Samuel - I Samuel 3:20

2) mga reperensiya sa mga propeta bilang grupo - Deutronomio 13:1-5; 18:20-22

3) propetang mga grupo o samahan - I Samuel 10:5-13; 19:20; I Hari 20:35,41;

22:6,10-13; II Hari 2:3,7; 4:1,38; 5:22; 6:1, etc.

4) Ang Mesyas ay tinawag na propeta - Deutronomio 18:15-18

b. hindi-nagsusulat na monarkyal na mga propeta (sila ay nagsasalita sa hari)

1) Gad - I Samuel 7:2; 12:25; II Samuel 24:11; I Cronico 29:29

2) Nathan - II Samuel 7:2; 12:25; I Hari 1:22

3) Ahijah - I Hari 11:29

4) Jehu - I Hari 16:1,7,12

5) di-pinangalanan - I Hari 18:4,13; 20:13,22

6) Elias -I Hari 18; II Hari 2

7) Milcaiah - I Hari 22

8) Eliseo - II Hari 2:8,13

c. mga klasikal na nagsusulat na mga propeta (sila ay nagsasalita sa bansa gayundin sa

hari): Isaias—Malakias (maliban kay Daniel)

B. Biblikal na mga Termino

1. ro’eh = seer, I Samuel 9:9. Ang reperensiya na ito ay nagpapakita ng transisyon sa termino

Nabi, na nangahulugang “propeta” at nagmumula sa ugat na, “tumawag.” Ro’eh ay mula sa

pangkalahatang Hebreong termino “makita.” Ang taong ito ay nauunawaan ang mga paraan

at plano ng Diyos at kinukonsulta upang matiyak ang kalooban ng Diyos sa isang bagay.

2. hozeh = seer, II Samuel 24:11. Ito ay karaniwang isang kasingkahulugan ng ro’eh. Ito ay

mula sa bihirang Hebreong termino “makakita ng isang pangitain.” Ang pandiwaring anyo

ay ginamit ng madalas upang tumukoy sa mga propeta.

3. nabi’ = propeta, magkaugnay sa Akkadian na pandiwa nabu = “tumawag” at Arabiko naba’a

= “iproklama.” Ito ang pinaka karaniwang OT na termino upang italaga ang isang propeta.

Ito ay ginamit ng higit sa 300 beses. Ang eksaktong etimolohiya ay di-tiyak, ngunit ang

“tumawag” sa kasalukuyan ay tila ang pinakamainam na opsyon. Posibleng ang

399

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!