29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

. Exodo 12:40-41 (cf. Galacia 3:17)

(1) MT - 430 taon ng paninirahan sa Ehipto

(2) LXX - 215 taon ng paninirahan sa Ehipto

c. Mga Hukom 11:26 - 300 taon sa pagitan ng araw ni Jephte at ang pananakop

(natataguyod ng 1445 na petsa)

d. Mga Gawa 13:19, exodo, paglalagalag at pananakop - 450 taon

5. Ang may-akda ng Mga Hari ay gumamit ng partikular na pangkasaysayang sangunian at

hindi tinantsa ang mga bilang (Edwin Thiele, A Chronology of the Hebrew Priests, pp. 83-

85)

B. Ang pansamantalang katibayan mula sa arkeolohiya ay tila nagtuturo sa isang petsa ng 1290

B.C., o ang ika-19 na Dinastiya ng Ehipto.

1. Si Jose ay kayang dumalaw sa kanyang ama at sa Faraon sa parehong araw. Ang unang

katutubong Faraon na nagsimulang ilipat ang kabisera ng Ehipto mula sa Thebes pabalik ng

Delta ng Nila, sa isang lugar na tinatawa na Avaris/Zoan/Tanis na siya lumang kabisera ng

Hyksos, ay si Seti I (1309-1290). Siya ang maaaring ang Faraon ng kalupitan.

a. Ito ay tila umaakma sa dalalwang bahagi ng kaalaman patungkol sa pamumuno ng

Hyksos sa Ehipto.

(1) Ang isang inukit na bato ay natagpuan mula sa panahon ni Rameses II na

naggugunita ng pagkakatatag ng Avaris apat na raang taon na mas maaaga

(1700's B.C. ng mga Hyksos)

(2) Ang prosiya ng Genesis 15:13 ay nagsaabi ng 400 na taon ng pang-aapi

b. Ito ay nagpapahiwatig na ang pagtaas sa kapangyarihan ni Jose ay sa ilalim ng isang

Hyksos (Semitikong) na Faraon. Ang bagong Ehipsyong Dinastiya ay tinutukoy sa

Exodo 1:8.

2. Ang Hyksos, ang Ehipsyong salita na nangangahulugang “mga pinuno ng mga banyagang

lupain,” na isang pangkat ng mga pinunong hindi Semitikong Ehipsyo, ay namahala sa

Ehipto noong ika-15 at ika-16 na Dinastiya (1720-1570 B.C.). Ang ilan ay nais iugnay sila sa

pagtaas sa kapangyarihan ni Jose. Kung ating ibabawa ang 430 taon ng Exodo 12:40 mula

sa 1720 B.C., makukuha nating ang petsa na halos 1290 B.C.

3. Ang anak ni Seti I ay si Rameses II (1290-1224). Ang pangalang ito ay nabanggit sa isa sa

mga pamilihang itinayo sa mga lungsod ng mga aliping Hebreo, Exodo 1:11. Gayundin

ang katulad na distrito sa Ehipto na malapit sa Goshen ay tinawag na Rameses, Genesis

47:11. Avaris/Zoan/Tanis ay kilala bilang “Bahay ni Rameses” mula sa 1300-1100 B.C.

4. Si Thutmoses III ay kilala bilang isang dakilang tagapagtayo, tulad ni Rameses II.

5. Si Rameses II ay may 47 na anak na babae na naninirahan sa magkakaibang mga palasyo.

6. Ang Arkeolohiya ay ipinapakita na ang karamihan sa malalaging pinaderang mga lungsod

na Canaan (Hazor, Debir, Lachis) ay nawasak at mabilisang naitayo noong 1250 B.C. Sa

pagpapahintulot ng isang 38 taon na yugto ng paglalakad sa ilang ay umaakma sa isang

petsa na 1290 B.C.

7. Ang Arkeolohiya ay natagpuan ang isang sanggunian sa mga Israelita na nasa katimugang

Canaan isang pang-alalang linilok na bato ng pumalit kay Rameses, Merneptah (1224-1214

B.C. [cf. Ang Linilok na Bato ni Merneptah, na ang petsa ay 1220 B.C.]).

8. And Edom at Moab ay tila nakamit ang malakas na pambasang pagkakilanlan sa huling

bahagi ng 1300 B.C. Ang mga bansang ito ay hindi pa naitatag noong ika-15 siglo (Glueck).

9. Ang aklat na may pamagat na Redating the Exodus and Conquest by John J. Bimson, na

inilathala ng University of Sheffield, 1978, ay nangangatuwiran laban sa lahat ng mga

arkeolohikong katibayan para sa isang mas maagang petsa.

18

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!