29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

pampasiglang parirala na nagpapahayag ng pinakamabuting kaloob ng Diyos—ang Kanyang personal

presensya at pagtutos. Pansinin ang v. 30 Siya ay nanguna sa kanila sa pakikidigma (cf. 9:3); sa v. 33

Siya ay nanguna sa kanila na kanilang maging gabay sa disyerto.

“ipakikipaglaban kayo” Ito ay isang halimbawa ng “banal na digmaan” o herem (BDB 355, e.g.,

Deuteronomio 2:24; 3:6; 7:2; 20:16-18; Josue 6:17,21;8:26;10:1,28,37;11:12, 20-21). Ito ay ang paghatol

ng Diyos sa mga Amorrheo/mga Cananeo para sa kanilang kasalanan, lamang para itangi ng Diyos ang

kanyang mga tao (cf. Genesis 15:16). Binigyan ng Diyos ang mga tao ng Canaan nang maraming

pagkakataon na makapagsisi, ngunit sila ay hindi, kaya ang Kanyang kahatulan ay nasa kanila. Hahatulan

din ng Diyos ang Kanyang mga tao kapag kinuhya nila ang mga katulad na kagawian ng mga Cananeo

(i.e., ang mga itinapon sa Asirya at Babilonya)! Dito, ang Diyos ay nagsasabing sa Kaniyang mga tao na

huwag matakot ngunit magtiwala sa Kanila dahil Siya ay nasa kanilang panig (e.g., Deuteronomio 3:22;

20:4; Josue 10:14,42; 11:5-6)!

1:31 “ninyong Diyos, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak” “ang dinala” (BDB 669, KB

724, Qal GANAP) ay maaaring tumukoy sa pisikal na pagdadala ng sinuman o anumang bagay o

“pagbibigay lakas sa sinuman.” Ang Diyos bilang Ama (i.e., Magulang) ay isang napakagandang biblikal,

pampanilyang talinghaga (cf. 8:5; 32:6; Exodo 4:22; Mga Awit 27:10; 68:5; 103:13; Kawikaan 3:12;

Isaias 1:2; 63:16; Jeremias 3:19; Osea 11:1-4; Malakias 1:6; Mga Gawa 13:18). Sa OT ang “anak” ay isang

pangkalahatang talinghaga para sa pagkaama ni YHWH para sa Israel, ngunit ito ay naging pansarili sa

maka-David na hari at ay kanyang natatanging pangmaharlikang pinagmulan (i.e., Mesias, Mga Awit

2:2,7; Mga Gawa 13:33).

1:32 “Gayon ma'y sa bagay na ito” Kasama dito ang natatangi at personal na presensya and pagkalinga

ng Diyos mula sa pagtawag kay Abraham (Genesis 13) hangang sa Exodo (Exodo - Mga Bilang).

“hindi kayo sumampalataya sa PANGINOON ninyong Diyos” Ang PANDIWA (BDB 52, KB 63,

Hiphil PANDIWARI) ay isang pangunahing teolohikong salita. Ito ang batayan sa personal na pakikipagugnayan

sa kasunduan.

NATATANGING PAKSA: PANANAMPALATAYA, MANIWALA, O PAGTITIWALA

(Pistis [PANGNGALAN], Pisteuō, [PANDIWA], Pistos [PANG-URI])

A. Ito’y tiyak na mahalagang kataga sa Bibliya (cf. Hebreo 11:1,6). Ito ay paksa ng naunang mga

pangaral ni Hesus (cf. Marcos 1:15). Mayroong higit sa dalawang pangangailangan para sa bagong

kasunduan: pagsisi at pananampalataya (Marcos 1:15; Mga Gawa 3:16,19; 20:21).

B. Ang etimolohiya nito

1. Ang salitang “pananampalataya” sa OT ay nangangahulugang katapatan, matayog na katapatan,

o mapagkakatiwalaan at siyang naglalarawan sa kalikasan ng Diyos at hindi sa atin.

2. Ito’y nagsimula sa katagang Hebreo (emun, emunah), na nangangahulugang “maging tiyak o

matatag.” Ang pananampalatayang nagliligtas ay pagsang-ayong mental (pangkat ng mga

katotohanan), mabuting pamumuhay (isang pamumuhay), at higit sa lahat ay may pakikipagugnay

(pagtanggap sa isang tao) at kusang pananagutan (isang pagpapasiya) sa isang tao.

C. Ang pagkagamit nito sa OT

Dapat na pagdiininan na ang pananamapalataya ni Abraham ay hindi sa paparating na

Tagapagligtas, ngunit sa pangako ng Diyos na siya ay magkakaroon ng anak at mga inapo (cf.

Genesis 12:2; 15:2-5; 17:4-8; 18:14). Tumugon si Abraham sa pangako ng Diyos sa pamamagitan

ng pagtitiwala. Mayroon siyang mga ilang mga alinlangan at suliranin tungkol sa pangakong ito, na

umabot ng higit sa labintatlong taon bago matupad. Ang kanyang di ganap na pananampalataya, sa

kabila nito, ay tinanggap pa rin ng Diyos. Ang Diyos ay kusang-loob na gumagawa sa mga taong

33

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!