29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

TALATA SA NASB (BINAGO): 30:6-10

6

"At tutuliin ng Panginoon mong Diyos ang iyong puso, at ang puso ng iyong binhi, upang

ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, upang

ikaw ay mabuhay. 7

At lahat ng mga sumpang ito ng Panginoon mong Diyos ay isasa iyong

mga kaaway at sa kanila na nangapopoot sa iyo, na nagsiusig sa iyo. 8 At ikaw ay babalik at

susunod sa tinig ng Panginoon, at iyong gagawin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking

iniuutos sa iyo sa araw na ito. 9 At pasasaganain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng gawa

ng iyong kamay, sa bunga ng iyong katawan, at sa anak ng iyong bakahan, at sa bunga ng

iyong lupa, sa ikabubuti: sapagka't pagagalakin ka uli ng Panginoon, sa ikabubuti mo, gaya ng

kaniyang iginalak sa iyong mga magulang;

10

Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon

mong Diyos, upang tuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na

nasusulat sa aklat na ito ng kautusan; kung ikaw ay manunumbalik sa Panginoon mong

Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa."

30:6 “tutuliin ng Panginoon mong Diyos ang iyong puso” Ito ay isang metapora para sa isang bukas at

malalapitang pagdinig sa salita ng Diyos. Ang kasalungat ay nakasaad sa v. 17. Sa 10:16 at Jeremias 4:4;

9:25-26, ang Israelita ay tinawag upang magsagawa ng espiritwal na aksyon na ito (cf. Roma 2:28-29),

ngunit dito ang Diyos ang dapat na gumawa nito. Ang kaparehong tensyon na ito sa pagitan ng dakilang

kapang yarihan ng Diyos at aksyon ng tao ay makikita sa in Ezekiel 18:31 vs. 36:26. Dito ang pagtutuli

ay isang metapora para sa isang nararapat na espiritwal na saloobin.

“puso” Para sa mga Hebreo ito ay ang sentro ng intelektwal na aktibidad. Tignan Natatanging

Paksa sa 2:30.

“binhi” Ito ay literal na “binhi” (BDB 282). Ang terminong ito ay ginamit sa metaporikal na

pakahulugan ng ilang beses sa Deutronomio (cf. 1:8; 4:37; 10:15; 11:9; 28:46,59; 30:6,19; 31:21; 34:4).

“kaluluwa” Ito ang Hebreong salita na nephesh (BDB659). Tignan puna sa 11:13.

30:8-9 Ito ay nagpapakita ng kung ano ang nais ng Diyos na gawin para sa Israel at para sa buong mundo!

Tignan Natatanging Paksa:Ang Ebanghelikong Pagkiling ni Bob sa 4:6.

30:10 “kung. . .kung” Ito ay nagpapakita ng kondisyonal na kalikasan ng tipan. Pansinin na nag

pagsunod (makinig at gawin) ay inihanay ng may sinsero at buong pagtupad sa pangako (ng iyong buong

puso at kaluluwa).

TALATA SA NASB (BINAGO): 30:11-14

11

"Sapagka't ang utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay hindi totoong mabigat

sa iyo, ni malayo. 12 Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, Sinong sasampa sa langit para

sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa' 13 Ni wala

sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, ‘Sino ang daraan sa dagat para sa atin, at

magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa’ 14 Kundi ang salita

ay totoong malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso, upang iyong magawa."

30:11-14 Ang kalooban ni YHWH para sa Israel ay posible (cf. 28:29). Ang talatang ito ay wari

nagpapababa sa doktrina ng mga repormista ng “lubusang kasamaan.” Mayroong ilang mga lugar sa OT

kung saan ang paglaban ng tao sa kasalanan ay posible (e.g., Genesis 4:7).

Ang iglesya ay pumupulot sa Genesis 3 bilang ang pinagmulan ng kasalanan ng sanlibutan, habang

maraming mga rabi ay kumukuha sa Genesis 6 bilang ang pinanggalingan ng labanan. Habang ang

339

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!