29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Diyos, na gaya ng ginagawa ng lahat ng kaniyang mga kapatid na mga Levita, na tumatayo roon

sa harap ng PANGINOON. 8 Sila'y magkakaroon ng magkakaparehong bahagi na kakanin, bukod

sa natanggap nila na magmumula sa pinagbilhan sa pamana ng kaniyang ama.

18:6 Sila ang kahalili ng “unang bunga” ng Exodo 13. Ito ay nakabatay sa pagpili ng Diyos, hindi sa

pantaong kagalingan, na maliwanag mula sa mga kasalana nina Levi, Moises, at Aaron.

18:6-7 Pinahihintulutan nito ang mga Levita/mga saserdote na mamuhay sa labas ng Herusalem at

kailangang matatagpuan upang magturo at maghatol sa bawat bayan. Ngunit sila rin ay may karapatan sa

punong dambana.

18:8

NASB “bukod sa natanggap nila na magmumula sa pinagbilhan sa pamana ng kaniyang

ama”

NKJV “bukod sa kung ano ang natanggap mula sa pinagbilhan ng kanyang minana”

NRSV “kahit na sila ay may kita mula sa pinagbilhan ng ari-arian ng pamilya”

TEV “at maaari niyang itago kung ano man ang ipapadala na kanyang pamilya sa kanya”

NJB “kung anong mayroon siya mula sa pinagbilhan ng kanyang man sa kabila ng lahat”

JPSOA “walang pagsasa-alang-alang sa mga pansariling na kaloob o mga mana”

LXX “bukod sa pinagbilhan ng kanyang minanang ari-arian”

REB “bukod sa kung ano ang kanyang maaaring manahin mula sa pamilya ng kanyang

ama”

Ang iba’t-ibang mga salin ay nagpapakita ng mga pagpipilian. Ito ay tumutukoy sa pinagbilhan ng

mga ari-arian ng pamilya (ngunit hindi lupain).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 18:9-14

9 Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos, ay huwag kang

magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon. 10 Huwag

makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalaki o babae,

o isa na gumagamit ng panghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o

manggagaway, 11 O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu,

o espiritista, o sumasangguni sa mga patay. 12 Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na

ito ay karumaldumal sa PANGINOON: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng

PANGINOON mong Diyos sa harap mo. 13 Ikaw ay magpapakasakdal sa PANGINOON mong Diyos.

14 Sapagka't ang mga bansang ito, na iyong aariin, ay nakikinig sa kanila na nagmamasid ng

mga pamahiin, at sa mga manghuhula: nguni't tungkol sa iyo, ay hindi pumayag ang

PANGINOON mong Diyos na gawin mo.

18:10-11 Mayroong isang kalipunan ng MGA PANDIWARI, na nagpapakilala ng pagsamba sa diyus-diyusan

ng mga Cananeo:

1. NASB, “sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalaki o babae” - BDB 716, KB

778, Hiphil PANDIWARI

2. NASB, “isa na gumagamit ng panghuhula” - BDB 890, KB 1115, Qal PANDIWARI (gumagamit

ng kapwa PANDIWA at PANGNGALAN)

NKJV, NET, “isa na may kasanayan sa pangkukulam”

NRSV, NJB, NIV, “may kasanayan sa panghuhula”

JPSOA, “isang awgur”

3. NASB, “nagmamasid ng mga pamahiin” - BDB 778 II KB 857, Poel PANDIWARI

227

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!