29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

gaya na kung Siya ay isang tao. Ito ay isang kapahayagan na nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos.

2:25 “pasisimulan kong ilagay” Ang dalawang mga salitang ito ay MGA PAUTOS in v. 24. Ang Diyos ay

ay handa na kumilos bilang isang mandiririgma para sa kanila kung sila ay magtitiwala sa Kaniya at sa

papasok sa digmaan laban sa mga panglokal na mga naninirahan!

“ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo” Ang unang salita (BDB 808) ay nangangahulugang “na

mamangha” o “mangilabot”:

1. Ang mga kaaway ng Israel ay mangingilabot sa kanila - Deuteronomio 2:25; 11:25; Mga Awit

105:38

2. ang Israelita ay matatakot kay YHWH kung sila ay magkakasala - Deuteronomio 28:66,67

3. Si YHWH ay dapat kamanghaan - Mga Awit 119:120

Ang pangalawang salita (BDB 432) ay nangangahulugang “matakot”:

1. ang pagkatakot sa Diyos - Exodo 20:20

2. paggalang sa Diyos - Mga Awit 2:11; 5:8; 90:11; 119:38

3. pagkatakot sa kamatayan - Mga Awit 55:5

4. pagkatakot sa Israel - Deuteronomio 2:25

“nangasa silong ng buong langit” Ito ay isang maliwanag na pagmamalabis (i.e., buong mundo, 4:19;

Daniel 9:12). Ito ay tumutukoy sa mga naninirahan sa Canaan.

“magsisipanginig, at mangahahapis” Ito ay kahalintulad sa “pangingilabot at pagkatakot.” Ang

unang PANDIWA (BDB 919, KB 1182, Qal GANAP) ay nangangahulugang “manginig” o “mangatog” (cf.

Kawikaan 29:9; Isaias 14:9). Ang pangalawang PANDIWA (BDB 296, KB 297, Qal GANAP) ay

nangangahulugang “magsayaw,” “uminog” (cf. Panaghoy 4:6) o “pumulupot” (cf. Isaias 23:4; 26:18

[panganganak]).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 2:26-31

26 At ako'y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon

na may mapayapang pananalita, na sinasabi, 27 Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan

lamang ako lalakad, hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa. 28 Pagbibilhan mo ako ng

pagkain sa salapi, upang makakain ako, at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang

makainom ako; paraanin mo lamang ako ng aking mga paa; 29 Gaya ng ginawa sa akin ng mga

anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar; hanggang sa

makatawid ako sa Jordan, sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng PANGINOON naming Diyos.

30 Nguni't ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't

pinapagmatigas ng PANGINOON mong Diyos ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas ang

kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya ng tulad niya sa araw na ito. 31 At

sinabi sa akin ng PANGINOON, Narito, aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang

kaniyang lupain: pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain.

2:26 “Cademoth” Ito ay tumutukoy sa isang lugar (o paninirahan) sa hilaga ng Ilog ng Arnon, ngunit

ang tiyak na lugar ay di-tiyak. Sa huli, ito ay naging pang-Levitang lungsod (cf. Josue 21:37).

2:27 “Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan lamang ako lalakad” Ang unang PANDIWA (BDB

716, KB 778, Qal COHORTATIVE) ay ginamit na kadalasan sa pang-kasaysayan buod na ito (cf. 2:4,8,13,

14,18, 24,27, 28,29,30; 3:18,21,25,27,28; 4:14,21,22,26). Ang isa pang pang-tekstong katangian ay ang

Hebreong salita na ‘paraan” o “daan,” na may PANG-UKOL ay dinalawa. Ito ay isang paraan ng

pagbibigay-diin na hindi sila lilihis sa pangunahing lansangan. Ito ay tumutukoy sa Lansangan ng Hari,

na dumadaan sa Edom, Moab, at ang Kaharian ng Sehon. Binigyang-diin ni Moises na sila ay tumawid sa

49

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!