29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NATATANGING PAKSA: MAGPAKAILANMAN (GRIYEGONG KATAGA)

Isang Griyegong pangwikaing parirala ay “sa loob ng mga panahon” (cf. Lucas 1:33; Roma 1:25;

11:36; 16:27; Galacia 1:5; I Timoteo 1:17), na maaaring maglarawan ng Hebreong ‘olam. Tingnan

si Robert B. Girdlestone, Synonyms of ang Lumang Testament, pp. 319-321, at Natatanging Paksa

sa OT: Magpakailanman (‘Olam). Ang ibang mga kaugnay na mga pariral ay “sa loob ng panahon”

(cf. Mateo 21:19 [Marcos 11:14]; Lucas 1:55; Juan 6:58; 8:35; 12:34; 13:8; 14:16; II Corinto 9:9) at

“ng panahon ng mga panahon” (cf. Efeso 3:21). May tila walang pagkakaiba sa pagitan ng mga

Griyegong mga kataga para sa “magpakailanman.” Ang salitang “mga panahon” ay maaaring

PANGMARAMIHAN na isang paglalarawang pagkaunawa sa rabinikal na pang-gramatikong pagkakabuo

na tinawag na “ang pangmaramihan ng maharlika” o ito ay maaaring tumukoy sa konsepto ng

maraming “mga panahon” sa pang-Hudyong pagkakaunawa ng “panahon ng kasamaan,” “panahong

darating,” o “panahon ng katuwiran.”

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 4:41-43

41 Nang magkagayo'y inihiwalay ni Moises ang tatlong lungsod sa dako roon ng Jordan sa

dakong sinisikatan ng araw; 42 Upang ang nakamatay ng tao ay tumakas doon, na nakamatay sa

kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan; at

sa pagtakas sa isa sa mga bayang ito ay mabuhay siya: 43 Sa makatuwid baga'y sa Beser, sa ilang,

sa kapatagang lupa, na ukol sa mga Rubenita; at sa Ramoth sa Galaad, na ukol sa mga Gadita;

at sa Golan sa Basan, na ukol sa mga Manasita.

4:41 “tatlong mga lungsod sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw” Ang mga

lungsod na ito ay tinatawag na “mga lungsod ng kanlungan” (cf. Mga Bilang 35; Deuteronomio 19; Josue

20). Mayroong anim na katulad nila, tatlo para sa bawat panig ng Jordan. Sila ay lahat Levitang mga

lungsod (cf. Josue 21), kung ang mga Levita, na walang minanang lupain, ay naninirahan.

Sila ay bahagi ng “mata para sa mata” na sistemang katarungan ng Israel. Kung ang sinuman ay disinasadyang

napatay ang isang kasama sa kasunduan, ang pamilya ay may legal na karapatan para patayin

siya (i.e., ang tagapaghiganti ng dugo ng Mga Bilang 35:12; Deuteronomio 19:6,12; Josue 20:3,5,9).

Kung ang isa ay hindi sinasadyang nakapatay, ang isa ay maaaring pumunta sa isa sa mga natatanging

mga lungsod na ito, may pagdinig sa pamamagitan ng mga matatanda; kung siya ay natagpuan na hindi

isang nagtangkang mamamatay-tao, siya ay maaaring mamuhay sa lungsod ng ligtas (hanggang sa

kamatayan ng Punong Saserdote). Pagkatapos, siya ay maaaring bumalik sa kanyang tahanan nang ligtas

(sa isang legal na kaunawaan).

Pansinin “sa dako ng Jordan” ay tumukoy dito sa silangang panig.

4:42 “hindi sinasadya” Ang pasalungat na salita (BDB 395) ay tumutukoy sa kamatayan ng isang kapwa

Israelita na hindi sinasadya, na walang pagpaplano o pagkiling. Maaari nating tawagin ito pagpatay ng

tao.

Ang kawalan ng masamang layuning ay ang susing sangkap. Ito ay naging teolohikong puso ng

pag-aalay na sistema. Anumang kasalanan na nagawa nang sinadya ay walang pag-aalay na ihahanda

(cf. Exodo 21:12-14; Levitico 4:2,22,27; 5:15-18; 22:14; Mga Bilang 15:27,30; Deuteronomio 17:12-13;

Josue 20:1-6). Kahit na ang pambansang pag-aalay sa pamamagitan ng ang Punong Saserdote sa Araw

ng Pagtubos (Levitico 16) hindi ibinibilang ang kinusang kasalanan (cf. Ps: 51:14-17)! Hindi ba kayo

nalulugod na tayo ay nasa ilalim ng pag-aalay ni Hesus sa NT!

Sa puntong it, nais kong idagdag ang isang sipi mula sa NIDOTTE, tomo 2, na tumatalakay ng

konsepto ng: “‘di-sinasadya’ o ‘di kinukusa’ (Levitico 4:2) ay kapwa estratehiko at

may suliranin (cf. 4:13,22,27; 5:15,18; 22:14; Mga Bilang 15:22,24-29). Dahil dito, ang

ilang mga iskolar ay nagpalagay na ang pag-aalay kasalanan ay tanging inihahandog sa di-

86

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!