29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

13:8 Ang talatang ito mga tala (isang kalipunan ng pasalungat na Qal MGA DI-GANAP) paano ang isang

tagasunod ni YHWH ay isaalang-alang ang tagasunod ng isang dayuhang diyos (mga):

1. Huwag kang lumapit sa kanya - BDB 2, KB 3

2. Huwag mo siyang pakinggan - BDB 1033, KB 1570

3. Ang iyong mata ay hindi maaawa sa kanya - BDB 299, KB 298, cf. 7:2,16

4. Huwag mo siyang paglaanan - BDB 328, KB 328, cf. I Samuel 15:3

5. Huwag mo siyang ikubli - BDB 491, KB 487 (sa literal “takpan”)

Isang maikling pagpuna sa #3. Ang anyong ito ay isang kataga para sa “huwag hayaan ang iyong

pantaong damdamin na makaapekto sa mga kilos na kailangan ng Diyos.” Ito ay matatagpuan ng

maraming beses sa Deuteronomio 7:16; 13:8; 19:13,21; 25:12 (cf. NIDOTTE, tomo 2, p. 50).

13:9 “Kundi papatayin mo nga; ang iyong kamay ang mangunguna sa kaniya” Ang MT ay walang

salitang “bato” sa talatang ito, kahit na walang alinlangan na ang paraan ng kamatayan ay mababanggit

(cf. v. 10). Ang MT ay mayroong Qal PAWATAS NA LUBUSAN at ang Qal DI-GANAP ng PANDIWANG

“papatay” BDB 246, KB 255 (i.e., “walang alinlangan papatayin”), na nagpapakilala ng pagbibigay-diin.

Ang isa na sumaksi laban sa isang tao ay ang isa na magpupukol ng unang bato (cf. v. 10; 17:7).

Kung ang isang ay nagsinunganling patungkol sa pinaratangang, siya samakatuwid ay nakagawa ng

pinaghandaang pagpatay (cf. 5:20).

13:10 “iyong babatuhin siya ng mga bato upang siya'y mamatay” Ang MT ay mayroong PANDIWA

para sa “pagbato hangang kamatayan” (BDB 709, KB 768, Qal GANAP) at ang salita para sa “bato” (BDB

6), na sa literal ay magiging “batuhin siya ng mga bato.” Ang pagbato ay isang parusang kamatayan na

isinasagawa pamamagitan ng ang buong pangkasunduang komunidad (cf. Levitico 20:2,27; 24:13-23; Mga

Bilang 15:32-36; Deuteronomio 13:10; 21:21; Josue 7:22-26).

Ito ay hindi pangkaraniwang salita na ginagamit para sa panghukumang parusang kamatayan. Ang

salitang ito ay nagsasabi ng pagmamadali ng kagyat, sukdulang paglilinis ng masama (cf. Exodo 32:27;

Levitico 20:15,16; Mga Bilang 25:5; Deuteronomio 13:10; Ezekiel 9:6).

Ang mga tao ay binabato sa pamamagitan ng komunidad para sa:

1. pagsamba sa diyus-diyusan, Levitico 20:2-5 (gayundin maaaring 6-8); Deuteronomio 13:1-5;

17:2-7

2. pamumusong (paglapastangan sa pangalang ng Diyos), Levitico 24:10-23; I Mga Hari 11-14;

Lucas 4:29; Mga Gawa 7:58 (kapwa ipinapakilala ang Exodo 22:28); gayundin, pansinin ang

Juan 8:59; 10:31; 11:8

3. pagtanggi sa kapangyarihan ng mga magulang, Deuteronomio 21:18-21 (maaaring Levitico

20:9)

4. kawalang katapatan sa asawa, Deuteronomio 22:22,23-27 (maaaring Levitico 20:10-16

5. kataksilan (kilala sa pagsuway kay YHWH), Josue 7

NASB “ihiwalay”

NKJV “hikayatin”

NRSV “sinubukang ihiwalay”

TEV “sinubukang ilayo”

NJB “subukang ilihis ka”

Ang PANDIWANG ito (BDB 623, KB 673, Hiphil PAWATAS NA PAGKAKAYARI) ay nangangahulugang

“itulak.” Ang mga bulaang propeta (v. 1) at inaakalang mga miyembro ng kasunduan (v. 6) ay

sinusubukang itaboy mga mananampalataya palayo kay YHWH papunta sa ibang pambansang mga

diyos. Ang PANDIWANG ito (cf. vv. 5,12; 4:19; II Mga Hari 17:21) ay kahalintulad sa “manghikayat”

(BDB 694, KB 749, Hiphil DI-GANAP) of v. 6.

178

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!