29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“Panginoon mong Diyos” Ang MT ay may “iyong” Diyos. Ang pagkakaibang ito ay nasa

PANGHALIP ay walang teolohikal na kahulugan. Ito ay simpleng isang Hebreong idyoma ng pagsasalita

sa isang tao ng panrelihiyong awtoridad.

26:4 “At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng

Panginoon mong Diyos” Marami ang nagkukumpara sa v.10 at inaangkin ang isang pagkakasalungat.

Ang problema ay, wala tayong isang detalyadong tala ng ritwal.

26:5 “aking ama” Ito ay tumutukoy sa patriyarkang Jacob, kalaunay tinawag na Israel (cf. Genesis

32:28 at Natatanging Paksa: Israel sa 1:1). Ito ay isang teolohikal na pananalita patungkol sa kaning

pagiging bayang pinili ng Diyos. Ito ay isang pangkredong pagsasang-ayon.

NASB, NRSV,

TEV, NJB “naglalagalag”

NKJV “malapit ng mapuksa”

REB

“walang tahanan”

JPSOA “pugante”

Ito ay nangangahulugang “nalilipol” (BDB 1, KB 2, Qal AKTIBONG PANDIWARI). Minsan ang

terminong ito ay ginamit sa isang nawala o naglalagalag na hayop (I Samuel 9:3; Jeremias 50:6;

Ezekiel 34:4,16).

“Aramean” Ito ay tumutukoy sa Padan-Aram o Syria (BDB 74, cf. Genesis 25:20; 28:5; 31:20,24).

Si Laban ay mula sa lugar na ito na naglalaman ng bayan ng Haran (cf. Genesis 31:40-42). Si Jacob ay

nabuhay ng ilang mga taon at pagkatapos ay lumisan palayo kay Laban.

“nakipamayan” Ang PANDIWA (BDB 157, KB 184, Qal DI-GANAP) ay nangangahulugang na manatili

bilang isang baguhan o naninirahang dayuhan (cf. Genesis 47:4).

“na kaunti sa bilang” Sa Genesis 46:27 at Exodo 1:5 ito ay nagsasabi na sila ay orihinal na 70 mga

tao lamang. Nang sila ay lumisan sa Ehipto ang kanilang mga bilang ay mataas (cf. 1:10; 20:22; Exodo

1:9) sa pagitan ng 1,500,000 hanggang 2,500,000 na mga tao. Ang bilang ay nakadepende sa nararapat

na interpretasyon ng Hebreong termino na “libo.” Ito ay maaring mangahulugan na (1) isang literal na

1,000; (2) isang lipi; o (3) isang militar na yunit (cf. Exodo 12:37). Tignan Natatanging Paksa sa 1:15.

26:7 “dumaing sa Panginoon. . . dininig ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian” Ang

Diyos ay nangako at naghula kay Abraham patungkol dito (cf. Genesis 15:12-21; Exodo 3:7, 9).

“sa Panginoon, sa Diyos ng aming mga magulang” Ito ay nagpapakila sa Diyos ng Patriyarka, El

Shaddai (cf. Exodo 6:2-9), kay YHWH, na nagkompronta kay Moses (cf. Exodo 3:14). Tignan

Natatanging Paksa: Mga Pangalan ng Pagkadiyos sa 1:3.

26:8 “kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig” Ito ay ipinahayag sa antromorpikong wika ng

kapangyarihan at tagumpay. Tignan puna sa 4:34. Posibleng na ang partikular na idyomang ito ay binili

dahil ito ay madalas na ginamit sa panitikan at sining sa Ehipto para sa kapangyarihan ng Faraon

“ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan” Ito ay nag-uugnay sa

sampung salot sa Ehipto (e.g., 4:34; 6:22; 7:19; 11:3; 26:8; 29:2; 34:11).

296

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!