29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

maiuugnay sa pagkakaloob ng Kautusan sa Bundok ng Sinai), na nangangahulugang “limampung araw.”

Ito ay ang Mayo-Hunyong pagdiriwang ng ani o ang panahon ng pag-aani ng trigo. Si YHWH, hindi si

Ba’al, ay ang nagkakaloob!

“kusang handog” Pinahihintulutan nito ang bayan na magdala ng isang handog sang-ayon sa kung

gaano karami ang pinagpala ng Panginoon sa bawat isa (cf. v. 17). Ito ay isang pangkalahatang prinsipyo

ng pagbibigay (cf. II Corinto 8-9).

16:11 Nais ni YHWH na ang bawat-isa ay malaman ang Kanyang nakalipas na mga gawa para sa Israel at

Kanyang natatanging pagkalinga para sa kanilang nangangailangan (cf. v. 14; 12:12,18, 19; 14:27,29;

26:11-13).

16:12 “At iyong aalalahanin” Ang teolohikong dahilan para sa ang Pista ng mga Lingo (pangagrikulturang

pang-aani) ay ang karanasan ng pagkaalipin ng Israel sa Ehipto.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 16:13-15

13 Iyong ipagdidiwang na pitong araw ang pista ng mga tabernakulo, pagkatapos na

makamalig mo ang aning mula sa iyong giikan at sa iyong pisaan ng ubas: 14 At ikaw ay

magagalak sa iyong pagpipista, ikaw, at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping

lalake at babae, at ang Levita, at ang taga ibang lungsod, at ang ulila, at ang babaing bao, na

nasa loob ng iyong mga pintuang-daan. 15 Pitong araw na ipagdidiwang mo ang pista sa

PANGINOON mong Diyos sa dakong pipiliin ng PANGINOON: sapagka't pagpapalain ka ng

PANGINOON mong Diyos sa lahat ng iyong kinikita, at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay, at

ikaw ay lubos na magagalak.

16:13 “pista ng mga tabernakulo” Ang Pista ng mga Tabernakulo ay nagsimilo sa taglagas at habang sa

panahon ng pagtitipon (cf. Exodo 23:16; 34:22). Para sa teolohikong dahilan para sa pistang ito, tingnan

ang Levitico 23:33-43.

Ang kaligiran sa “mga tabernakulo” ay sinasabing nagpapahayag ng karanasan ng mga Israelita sa:

1. pang-agrikulturang buhay sa Ehipto, na ang mga kubol ay ginawa sa mga taniman at panahon ng

pag-aani

2. paninirahan sa pansamantalang pabahay (i.e., mga tolda) sa panahon ng exodo at yugto ng

paglalagalag sa ilang

3. ang pansamantalang kublihan na kinakailangan para sa para sa pagtira ng mga manlalakbay at

ang punong dambana (mas hindi maaari)

16:15 Nais ni YHWH na pagpalain ang Kanyang bayan samakatuwid sila ay maaaring magalak (BDB

970, KB 1333, Qal GANAP) sa sarili, bilang isang pamilya, at bilang ang bayan ng Diyos (cf. 12:7,12,18;

14:26; 16:11,14; 26:11; 27:7).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 16:16-17

16

Makaitlo sa isang taon na ang iyong mga lalake ay magsisiharap sa PANGINOON mong

Diyos, sa dakong kaniyang pipiliin; sa pista ng tinapay na walang lebadura, at sa pista ng mga

sanglinggo, at sa pista ng mga tabernakulo: at huwag silang haharap na walang dala sa

PANGINOON: 17 Bawa't lalake ay magbibigay ng kaniyang kaya, ayon sa pagpapala na ibinigay

sa iyo ng PANGINOON mong Diyos.

16:16 “Makaitlo sa isang taon na ang iyong mga lalake ay magsisiharap” Ang mga talatang 16 at 17

ay buod mga talatang na tumutukoy sa lahat na tatlong pista (cf. Exodo 23:14,17). Tandaang nga mga

pagkain ay natatanging pagkakataon ng pagkakaibigan at pamilyang pagkikipag-ugnayan. Ang mga

207

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!