29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

mabagsik, ngunit ito ay karaniwang isinasagawa sa panahong ito. Isang mabuting halimbawa nilo ay ang

Jericho sa Josue 6 o Lachish saJosue 10:28,35. Genesis 15:16; Mga Bilang 33:55; Josue 23:13 ay

nagpapahayag ng teolohikong kadahilanan para sa lubusang pagkawasak ng mga Cananeo.

“huwag kang makikipagkasundo sa kanila” Ang Josue 9 ay nagbibigay sa atin ng pangkasaysayag

halimbawa ng kabiguan ng Israelita na ingatan ang kautusang ito.

NASB “ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila”

NKJV “o magpakita ng kaawaan sa kanila”

NRSV “huwag magpakita ng kaawaan”

TEV “huwag. . .magpakita sa kanila ng kahit anong awa”

NJB “hindi. . .magpakita sa kanila ng kahit anong habag”

Ang pasalungat na PANDIWA (BDB 335 I, KB 334, Qal DI-GANAP) ay nangangahulugang “magpakita

ng kabutian” o “maging mapagbiyaya.” Gayunman, Israel ay wala ng ganitong pagpipilian (opsyon) (cf.

v. 16; 13:11-16; 19:13,21; 25:12). Ang kahabagan ay magpapadumi sa lupain ng kasamaan;

mapapatawag ng kahabagan kung ano ang hind kay YHWH!

7:3 “Ni mag-aasawa sa kanila” Ito ay walang pang-lahing paghamak; ito ay para sa pang-relihiyong

mga dahilan (cf. Exodo 34:12-17). Ang pangunahing mga talata patungkol dito ay sa Ezra 10 at Nehemias

13. Hindi ninanais ng Diyos na sila ay mag-asawa ng mga Cananeo dahil ang kanilang pagsamba sa

diyus-diyusan, ay makapagpapalayo ng kanilang puso sa Kaniya at masisira angKanyang kapahayagan

ng Kanyang sarili sa mundo.

7:4 “Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake” Tingnan ang Mga Bilang 33:55; Josue

23:13. Ito ay kung saan ang makabagong pang-Hudyong konsepto ng ina ay siyang susi sa

pinanggalingang ng isang legal na pang-Hudyong katatayuan.

7:5 “igigiba. . . pagpuputolputulin. . . ibubuwal. . . susunugin” Tingnan ang buong tala sa 7:1-5.

“Asherim” Ang KJV na salin ay mayroong “mga kahoy.” Ang literal na kahulugan ay “mga gawa sa

kahoy na sagisag ng isang babaeng diyos” (BDB 81). Ito ay isang kahoy na tagdan na inilalagay katabi

ng posteng bato ni Baal, ang lalaking pagpapayabong na diyos. Asera o Astartes ay ang babaeng kasama

ay kumakatawan sa kahot na poste. Ito ay di-tiyak kung sila ay mga buhay na puno o inukitang tarak.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 7:6-11

6

Sapagka't ikaw ay isang banal na lungsod sa PANGINOON mong Diyos; pinili ka ng

PANGINOON mong Diyos upang maging lungsod sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat

ng mga lungsod na nasa ibabaw ng balat ng lupa. 7 Hindi kayo inibig ng PANGINOON, ni pinili

kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang lungsod; sapagka't kayo ang

pinakamaliit sa lahat ng mga lungsod: 8 Kundi dahil sa inibig kayo ng PANGINOON, at dahil sa

kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo

ng PANGINOON sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng

pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Ehipto. 9 Talastasin mo nga, na ang

PANGINOON ninyong Diyos, ay siyang Diyos: ang tapat na Diyos, na nag-iingat ng kasunduan at

naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga

utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi; 10 At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang

mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya,

kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha. 11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga

palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.

117

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!