29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

mga bayang yaon at siya'y mabubuhay: 6 Baka habulin ng tagapanghiganti sa dugo ang

nakamatay, samantalang ang puso'y nagaalab, at siya'y kaniyang abutan, sapagkat ang daan ay

mahaba, at siya'y saktan ng malubha; na siya'y di marapat patayin, sapagkat hindi niya

kinapopootan nang panahong nakaraan. 7 Kaya't iniuutos ko sa iyo, na sinasabi, Maghihiwalay

ka para sa iyo ng tatlong lungsod.

19:4 “bagay ng nakamatay tao” Ito ay isang pagpapalawak ng Exodo 21:12-14, na nag-uugnay sa

punong sambahan (dambana). Pinapalawak nito ang kaligtasan ng punong dambana sa anim na Levitang

lungsod ng kanlungan.

“na tatakas doon at mabubuhay” Kung ang isang nakapatay ng sinuman ay tumakas (BDB 630, KB

681, Qal DI-GANAP) sa isa sa mga itinalagang mga lungsod at kung ang humantong na pagdinig ay hindi

natagpuang pinaghandaan, siya ay dapat mabuhay (BDB 310, KB 309, Qal GANAP) sa lungsod ng

kaligtasan hanggang sa kamatayan ng kasalukuyang Punong Saserdote (cf. Josue 20:6).

“ng di sinasadya” Tingnan ang tala sa 4:42. Ito ay ang kasalungat ng “pinaghandaang pagkilos.”

19:6 “tagapanghiganti sa dugo” Ang parirala ay isang kayarian (BDB 145 I, KB 169, Qal PANDIWARI at

BDB 196, cf. Bilang 35:9-28). Ang taong ito ay kilala rin bilang “kapatid na tagatubos.” Ito ay isang

halimbawa ng may katakdaang paghihiganti sa v. 21 (cf. Exodo 21:23-25; Levitico 24:19-22).

“na siya'y di marapat patayin” Ito ay isang teolohikong paglago sa Genesis 9:5-6. Dito ang motibo

ng pagkilos ay isinaalang-alang. Ang hindi sinasadya at hindi pinaghandaan ay ipagpapaliban mula sa

“mata-para sa-mata” paghihiganti. Mayroong ito mga kahihinatnan (kailangang manirahan sa lungsod ng

kanlungan hanggang mamatay ang kasalukuyang Punong Saserdote).

Ang Israel, tulad ni YHWH, ay kailangang isaalang-alang ang katarungan at paghihiganti!

19:7 Ibinigay ni Moises ang salita ni YHWH sa vv. 1-3; ipinaliwanag niya ang mga ito sa vv. 4-6 at,

muli niyang binigyang-diin ang kautusan ni YHWH sa v. 7.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 19:8-10

8 At kung palakihin ng PANGINOON mong Diyos ang iyong hangganan gaya ng kaniyang

isinumpa sa iyong mga magulang, at ibigay niya sa iyo ang buong lupain na kaniyang

ipinangakong ibibigay sa iyong mga magulang— 9 Kung iyong maingat na isasagawa ang buong

utos na ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ibigin ang PANGINOON mong Diyos, at

lumakad kailan man sa kaniyang mga daan—ay magdadagdag ka pa nga ng tatlong lungsod sa

iyo, bukod sa tatlong ito: 10 Upang huwag mabubo ang dugong walang sala sa gitna ng iyong

lupain, na ibinibigay sa iyo na pinakamana ng PANGINOON mong Diyos, at sa gayo'y maging

salarin ka sa iyo.

19:8 “Kung” Ang ipinagpapalagay na KATAGA (BDB 49) ay nagpapahayag ng may pasubaling kalikasan

ng kasunduan ni YHWH sa Israel (cf. v. 9). inagkalooban Niya sa kanila ang lugar ng trans-jordan at

ngayon kung sila ay susunod ay maaari Niyang ipagkaloob sa kanila ang Canaan.

19:9 “maingat na isasagawa” Mayroong isan PANDIWA “maingat” (BDB 1036, KB 1581, Qal DI-GANAP,

tingnan ang tala sa 6:12) na sinusundan ng PAWATAS NA MGA KAYARIAN:

1. “gawin” - BDB 793, KB 889

2. “umibig” - BDB 12, KB 17

3. “lumakad” - BDB 229, KB 246, cf. 10:12; 11:1,13,22; 30:16

237

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!