29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Basahin ang kabanata ng isang upuan. Alamin ang mga paksa. Ihambing ang iyong pagkakabahagi

ng paksa sa limang makabagong salin. Ang pagkakatalata ay hindi isang inspirasyon, ngunit ito’y isang

susi sa pagsunod sa layunin ng may akda na siyang puso ng interpretasyon. Bawat talata ay may isa at

isa lamang na paksa.

1. Unang Talata

2. Pangalawang Talata

3. Pangatlong Talata

4. At iba pa

PAG-AARAL NG SALITA AT PARIRALA

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 23:1-6

1

Ang nasaktan sa mga iklog, o ang may lihim na sangkap na putol ng katawan ay hindi

makapapasok sa kapisanan ng Panginoon. 2 Isang anak sa ligaw ay huwag papasok sa kapisanan

ng Panginoon; hanggang sa mga inaanak ng ikasangpung salin ng lahi ay walang sa kaniya'y

makapapasok sa kapisanan ng Panginoon. 3 Huwag papasok ang isang Ammonita o Moabita sa

kapulungan ng Panginoon; hanggang sa mga inaanak ng ikasangpung salin ng lahi ay walang

nauukol sa kanila na makapapasok magpakailan man sa kapisanan ng Panginoon: 4 Sapagka't

hindi kayo sinalubong nila ng tinapay at ng tubig sa daan, nang kayo'y umalis sa Ehipto; at

sapagkat kanilang inupahan laban sa iyo si Balaam na anak ni Beor mula sa Pethor ng

Mesopotamia upang sumpain ka. 5 Gayon ma'y hindi dininig ng Panginoon mong Diyos si

Balaam; kundi pinapaging pagpapala ng Panginoon mong Diyos, ang sumpa sa iyo; sapagkat

iniibig ka ng Panginoon mong Diyos. 6 Huwag mong hahanapin ang kanilang kapayapaan o ang

kanilang ikasusulong sa lahat ng iyong araw magpakailan man.

23:1 “nasaktan sa mga iklog” Ito Ingles salita isinasalin dalawa Hebreong terminong ito:

1. “sa pamamagitan ng pagdurog” - BDB 194

2. “sugatan o galusan” - BDB 822, KB 954, Qal BALINTIYAK NA PANDIWARI

Ito ay tumutukoy sa (1) mga bayag ng lalaki na tinanggal o (2) ang pagputol ng daluyan ng punlay cord

(maaaring sa pamamagitan ng pagdurog).

“o ang may lihim na sangkap na putol ng katawan” Ito ay tumutukoy sa isang pinutol na ari ng

lalaki (BDB 1050, “isang lugar ng pagbuhos ng likido”). Ito ay maaaring isa pang paraaan ng

naglalarawan sa isang bating (kinapon) (cf. Mateo 19:12). Ang mga dalawang naputulan ay ang unang sa

kalipunan ng mga hindi ibibilang mula sa pagdalo at mga pagpupulong sa Israel (i.e., mga pangyayari at

ang tabernakulo). Ang kanilang hindi pagkabilang ay sumasagisag sa kadalisayan at pagkabuo ng bayan

ng Diyos na nakikita bilang isang kaharian ng mga saserdote (cf. Exodo 19:6 at Levitico 21:17-23; 22:17-

25). Sa huli, marami sa mga di-kasama sa OT ay isinama (e.g., si Ruth, ang Moabita at ang bating ng

Isaias 56:3-5 at Mga Gawa 8:26-40).

Ito ay maaari din na ang kasanayang ito ng pagputol sa pagnanais na sekswal ay bahagi ng mga

kasanayan ng mga Cananeo. Maraming tila di-karaniwang pagbabawal sa Mosaikong kautusan ay

natuturo sa isang buong pagkawasak ng Cananeong lipunan at mga kasanayan sa pagsamba.

“makapapasok” Ito PANDIWA (BDB 97, KB 112) ay ginamit nang maraming beses sa kabanatang ito:

1. “pumasok,” vv. 1, 2(dalawang beses), 3(dalawang beses), 8, 11(dalawang beses), 20, 24, 25

2. “dalhin sa loob,” v. 18

Karamihan ng mga paggamit ay maiuugnay sa:

267

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!