29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

sa Roma 10:19!

Ang idinagdag na ironya ay ang Israel ay iniwan si YHWH para sa di-umiiral na mga diyos (i.e., mga

banidad, cf. Jeremias 2:13). Oh, ang katangahan ng pantaong idolatrya (cf. Isaias 40:19-20; 44:9-20;

Jeremias 10:3-5,14)!

32:20 “Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi, Na mga anak na walang pagtatapat” Ang dalawang

mga linya na ito ng panulaan ay naglalarawan ng trahedya ng Israel na mayroong espesyal na pag-aaaruga

at presensya ni YHWH (cf. Roma 9:4-5). Sila ay ipinakikila bilang:

1. tampalasan (BDB 246) - isang termino na madalas na ginamit sa Kawikaan (cf. 2:12,14; 6:14;

8:13; 10:31,31; 16:30; 23:33). Ito ay may kaugnayan sa Hebreong salita para sa “mga tuod”

(BDB 246), na naglalagay sa katawan ng isang tao sa isang balukot o pilipit na pagkakatayo.

2. walang katapatan (BDB 53 negated) – isang termino na karaniwan rin sa mga Kawikaan (cf.

13:17; 20:6; pansinin rin ang Awit 31:23; Isaias 26:3).

3. Ang paglalarawan na ito ay kahilera sa 32:5:

a. tampalasan (BDB 786 I)

b. baluktot (BDB 836)

Si YHWH ay ang tunay pamantayan o patakaran (Tignan Natatanging Paksa sa 1:16). Ang Kanyang

tipanang bayan ay lumihis mula sa pamantayan.

“Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila” Ito ay isang metapora para sa pagkawala ng personal na

pag-aaruga at atensyon ni YHWH (cf. 31:17-18).

“king titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas” Si YHWH ay naunang ipinakita kay

Moses ang hinaharap ng Israel sa 31:29, na Siya naman gagawin Niya sa kalaunan kay Josue sa 24:19.

32:21 “hindi Diyos” Sa literal ito ay “singaw” o “banidad” (BDB 210) at kumakatawan sa kawalang

halaga o di-pagiral. Dito, gaya ng Jeremias 2:5; 8:19; 10:14-15; 16:19-20, ito ay ginamit para sa mga

idolo. Tignan ang isang paglalaro sa salita sa Isaias 57:13.

32:22 Ang talatang ito ay metaporikal ng kompletong pagkawasak at paghuhukom na ang Diyos ay

dadalhin sa mapanghimagsik na Israel (cf. Jeremias 15:14; 17:4). Lahat ng nilikha ng Diyos ay apektado

(i.e., daigdig, sheol) ay apektado! Hindi ito reperensiya sa lugar ng walang hanggang kaparusahan.

NATATANGING PAKSA: NASAAN ANG MGA PATAY

I. Lumang Tipan

A. Ang lahat ng tao ay mapupunta sa Sheol (ang etimolohiya ay hindi tiyak, BDB 1066), na ito

ay isang paraan upang tukuyin ang kamatayan o ang libingan, na madalas sa mga

Karunungang Panitikan at Isaias. Sa OT ito ay isang maanino, may kamalayan, ngunit

walang kaligayahang pag-iral (cf. Job 10:21-22; 38:17).

B. Katangian ng Sheol

1. inuugnay sa kahatulan ng Diyos (apoy), Deut. 32:22

2. inuugnay ka kahatulan kahit na bago dumating ang araw ng Paghuhukom, Awit 18:4-5

3. inuugnay sa abaddon (pagkawasak), na kung saan nandoon din ang Diyos, Job 26:6;

Awit 139:8; Amos 9:2

4. inuugnay sa “ang hukay” (libingan), Awit16:10; Isaias 14:15; Ezekiel 31:15-17

5. ang masasama ay bababa ng buhay sa Sheol, Bilang 16:30,33; Awit 55:15

6. kadalasang kinakatawang ng isang hayop na may malaking bunganga, Bilang 16:30;

369

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!