29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

humihinga (cf. Josue 10:40; 11:11,14).

20:17 “lubos na lipulin” Ang salita dito ay herem (BDB 355, KB 353, Hiphil PAWATAS NA TIYAK at

Hiphil DI-GANAP, na isang pang-gramatikong paraan ng pagpapakita ng pagtindi), na kaisipan ng lubusan

at buong pagkawasak sapagkat ito itinalaga sa Diyos (cf. 2:34; 7:1-5).

“ang Hetheo at ang Amorrheo, ang Cananeo at ang Pherezeo, ang Heveo at ang Jebuseo”

Tingnan ang Natatanging Paksa: Ang mga Naninirahan sa Palestino bago pa Dumating ang mga Israelita

sa 1:4.

20:18 Paaano ito magagawa ng isang mapagmahal na Diyos Ang isang sagot ay matatagpuan sa v. 18 -

isang teolohikong dahilan. Kung hindi mo sila lilipulin, dudumihan ka nila sa teolohiya. Ang isa pang sagot

ay matatagpuan sa Deuteronomio 9:4 at ang isang-katlo ng Genesis 15:12-21. Ang mga kasalanan ng tao

ay mayroong kahihinatnan!

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 20:19-20

19

Pagka iyong kukubkubing mahabang panahon ang isang lungsod sa pakikibaka upang

sakupin, ay huwag mong sisirain ang mga punong kahoy niyaon, na pagbubuhatan ng palakol;

sapagkat makakain mo, at huwag mong ipagbububuwal; sapagkat tao ba ang kahoy sa parang

na kukubkubin mo 20 Ang mga punong kahoy lamang na iyong kilala na hindi mga kahoy na

nakakain, ang iyong sisirain at ibubuwal; at iyong itatayong mga kuta laban sa bayang

nakikibaka sa iyo, hanggang sa maibuwal mo.

20:19-20 Ang mga pinaderang mga lungsod sa sinaunang Near East ay linulusob sa pamamagitan ng mga

makinaryang kahoy na pagkubkob. Ang kahoy ay kunuha mula sa punong di-namumunga, maaaring

sapagkat ito ay hindi nagbubunga na maaaring kailanganin ng mga naninirahang Israelita sa natalong

lungsod.

20:19

NASB, NJB “tao ba ang kahoy sa parang”

NKJV “ang para sa puno ng bukid ay pagkain ng tao”

NRSV “mga puno sa bukid, mga tao”

TEV “ang mga puno ay hindi mo kaaway”

Ang Hebreong teksto ay napakahirap dito. Ito ay tila nangangahulugang ang mga puno ay hindi

kaaway! Ito ay mga paraan ni YHWH sa pagtutustos ng kagyat at hinaharap na pagkain para sa

Kanyang bayan.

MGA TALAKAYANG TANONG

Ito ay isang komentaryong gabay sa pag-aaral, na nangangahulugan na ikaw ay may pananagutan sa

iyong sariling interpretasyon sa Bibliya. Ang bawat isa sa atin ay dapat lumakad sa liwanag na mayroon

tayo. Ikaw, ang Bibliya, at ang Banal sa Espiritu ay pangunahin sa interpretasyon. Hindi mo dapat iasa

ito sa taga-pagsuri.

Ang mga talakayang tanong na ito ay inihanda upang tulungan kang mag-isip sa pamamagitan ng

mga pangunahing paksa sa bahaging ito ng aklat. Ito ay nangahulugang dapat maging mapukaw-isip,

hindi pang kahulugan lamang.

1. Paaano pinakikitunguhan ang pagkatakot ng Israel sa madaming bilang at teknolohiya

245

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!