29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“ang buong utos na ito” Ito ay PANG-ISAHANG termino (BDB 846, tingnan ang Natatanging Paksa sa

4:1) na ginagamit upang ilarawan ang buong kasunduan ni YHWH (cf. 4:2; 6:1; 11:8; 15:5; 19:9).

“magdadagdag ka pa nga ng tatlong lungsod” Ang mga tatlo na dinagdagan ng tatlo pa sa v. 2 ay

nagpapakita ng anim ng mga lungsod ng kanlungan na nabanggit sa Josue 20. Ito ay tumutukoy sa (1)

ang hinaharap na tatlong mga lungsod s kanlurang panig ng Jordan, na hindi pa nasasakop o (2) ang

pagpapalawak ng Israel sa huli pagkatapos ng pagsakop ni Josue (pang-editoryal na pagbabago).

19:10 Si YHWH ay nagmamalasakit patungkol sa kamatayan ng taong hindi nararapat mamatay (i.e.,

“dugo ng walang kasalanan,” cf. II Mga Hari 21:16; 24:4; Jeremias 22:17). Sa OT walang pagkakaiba sa

pagitan ng panlahi at pangritwal na kalinisan. Ang buhay ay mahalaga! Ang pagkawala nito ay may

kahahantungan (“pagkakasala sa dugo,” cf. Bilang 35:33-34). Ito ang kahihinatnan nito at iba pang ritwal

na di-malinis ay isinasalang-alang (1) nang taunan sa Araw ng Katubusan, na inilarawan sa Levitico 16 at

(2) pang-lokal na paghahandog ng isang dalagang baka (cf. 21:1-9). Tulad ng mga lungsod sa kanlungan

na naninirahan kasama ang mga tao, ang Deuteronomio 21:1-9 ay isinasaalang-alang ang ritwal ng

pagkakasala ng mga komunidad.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 19:11-13

11

Nguni't kung ang sinoman ay mapoot sa kaniyang kapuwa, at pag-abangan niya siya, at

siya'y tumindig laban sa kaniya, at saktan niya siya ng malubha, na anopa't mamatay; at siya'y

tumakas sa isa sa mga bayang ito: 12 Ay magsusugo nga ang mga matanda sa kaniyang bayan at

kukunin siya roon, at ibibigay siya sa kamay ng tagapanghiganti sa dugo, upang siya'y

mamatay. 13 Ang iyong mata'y huwag mahahabag sa kaniya; kundi aalisin mo sa Israel ang

dugong walang sala, upang ikabuti mo.

19:11 Pansinin ang kalipunan ng MGA PANDIWA na naglalarawan ang pinaghandaang pagpatay:

1. “pagkapoot” - BDB 971, KB 1338, Qal PANDIWARI, cf. 4:42

2. “pag-abang” - BDB 70, KB 83, Qal GANAP

3. “pagtinding” - BDB 877, KB 1086, Qal GANAP

4. “pagpalo” - BDB 645, KB 697, Qal GANAP

19:12 “ang mga matanda sa kaniyang lungsod” Ito ay tumutukoy sa alinman sa lungsod na

pinakamalapit sa krimen o ang lungsod ng tahanan ng tao.

19:13 “Ang iyong mata'y huwag mahahabag sa kaniya” Ito (BDB 299, KB 298, Qal DI-GANAP) ay

isang inuulit na paksa sa Deuteronomio (cf. 7:16; 13:8; 19:13,21; 25:12). Ang pagkahabag ng tao o

pambansang damdamin ay hindi makakapagpabago ng kautusan ni YHWH. Ang Israel ay kailangang

maging bahal! Ang panghinaharap na kasaganahan ng Israel (at kahit na nanatili sa Ipinangakong Lupain)

ay nakabatay sa kanyang pagsunod.

NASB “aalisin mo sa Israel ang dugong walang sala”

NKJV “aalismo no ang kasalanan sa walang-salang dugo mula sa Israel”

NRSV “lilinisin mo ang kasalanan ng walang-salang dugo mula sa Israel”

TEV “ang Israel ay kailangang alisin sa kanyang sarili ang mga mamamatay-tao”

NJB “Kailangang mong tanggalin ang pagdanak ng walang-salang dugo mula sa Israel”

Ang PANDIWA (BDB 128, KB 145, Piel GANAP) nangangahulugang “sunugin” ay ginamit dito na

patalinghaga sa buong pagtanggal (cf. 13:8; 17:7,12; 19:13,19; 21:21; 22:21,22,24; 24:7).

Ang pagpatay ay nakakaapekto sa pakikipag-ugnayan at mga pagpapala ni YHWH sa bawat tao (cf.

Genesis 4) at mga komunidad (cf. 21:1-9). Ang kasalanan at sarili ay winawasak ang bawat bagay na

mahawakan nila!

238

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!