29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

ang dambana ng Panginoon mong Diyos, at maghahandog ka roon ng mga handog na

susunugin, sa Panginoon mong Diyos; 7

At ikaw ay maghahain ng mga handog tungkol sa

kapayapaan, at iyong kakanin doon; at ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong

Diyos. 8

At iyong isusulat na malinaw sa mga batong yaon, ang lahat ng mga salita ng

kautusang ito."

27:1 “ang mga matanda sa Israel” Alam ni Moses na kapag ang mga tao ay makarating sa Lupang

Pangako at siya ay hindi maaring makakasama (cf. Bilang 20:12; 27:12-14; Deutronomio 3:26-27). Pilit

niyang pinalalakas ang pamunuang grupo ng tribu.

“Ganapin mo ang lahat ng utos” Ito ay pabalik-balik na tema (cf. v. 10) at kondisyon para sa

pananatili ng Israel sa lupain.

27:2 “At mangyayaring sa araw na iyong tatawirin ang Jordan. . . maglalagay ka ng malalaking

bato” Mayroong tatlong mga pulutong ng mga bato:

1. sa Gilgal (vv. 1-3, cf. Josue 4)

2. sa Shechem (vv. 4-8)

3. pagkatapos ng pananakop at paghihiwalay ng lupain ang kautusan ng Diyos ay naisulat sa

isang malaking bato at sa isang aklat/balumbon (BDB 706, cf. Josue 24:26-27)

Posibleng na ang pariralang “sa araw ng” ay maaring maunawaan bilang “kapag,” ibig sabihin

parehong tumutukoy sa Shechem.

Eksaktong anumang naisulat sa mga bato ay pinagdedebatehan. Sila ay malalaking mga bato

upang sila ay makatanggap ng mas malaking bilang ng mga teksto. Marami ang nagpapalagay na ito ay

Deutronomio 12-26 o 27-28 or 5:8-21 o maging Exodo 20:22-23:33.

“tatapalan ng argamasa” Ang PANDIWA (BDB 966, KB 1319, Qal GANAP) ay matatagpuan lamang

sa OT sa vv. 2 at 4. Ito ay isang Ehiptong paraan ng paghahanda para sa pagsusulat. Ito ay mas

nagtatagal na paraan para sa kasulatan na manatiling nakikita. Ang dahilan para sa pagsusulat ng

Kautusan upang ang bawat tao ay makabasa nito para sa kanilang mga sarili (cf. v. 8).

27:3 “isusulat sa mga ito” Mayroong ilang mga reperensiya sa Pentateuch na nagbabanggit ng

kasulatan ni Moses:

1. Exodo - 17:14; 24:4; 34:27,28

2. Bilang - 33:2

3. Deutronomio - 27:3,8; 28:58; 29:21; 30:10; 31:9,22,24-26

“na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Diyos ng iyong mga magulang” (cf. v. 12) Ang

Shechem [Mt. Gerizim] ay ang lugar kung saan si Abraham (cf. Genesis 12:6-9) at Jacob (cf. Genesis

33:18-20) ay nagtayo ng mga altar. Ito ay nagpapakita ng katuparan ng naunang mga pangako ng Diyos

sa kanila.

27:4 “Bundok Ebal” Mayroong dalawang mga bundok (i.e., 3,080 talampakang taas) sa alinmang mga

bahagi ng bayan ng Shechem (i.e., balikat na talas). Isa ito sa kanila. Ang Shechem ay ang unang lugar

si Abraham ay unang nagtayo ng isang altar (cf. Genesis 12:6-7).

27:5 “huwag mong pagbubuhatan ang mga ito ng kasangkapang bakal” Ito ay posibleng kaugnay sa

istruktura ng mga altar sa Canaan (cf. Exodo 20:24-25). Ang Diyos ay nag-aatas na ang Kanyang mga

altar ay dapat na kakaiba mula sa gawa ng tao na mga taga-Canaan na mga altar (i.e., hiniwang mga

bato, v. 6). Ang tala na ito ay nagpapakita ng Josue 8:30-35.

303

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!