29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Amorrheo, upang tayo'y lipulin. 28 Saan tayo sasampa pinapanglupaypay ng ating mga kapatid

ang ating puso, na sinasabi, Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga lungsod ay

malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang mga

anak ng mga Anaceo. 29 Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, Huwag kayong mangilabot ni

matakot sa kanila. 30 Ang PANGINOON ninyong Diyos, na nangunguna sa inyo, ay kaniyang

ipakikipaglaban kayo, ayon sa lahat ng kaniyang ginawa sa Egipto dahil sa inyo sa harap ng

inyong mga mata; 31 At sa ilang, na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng PANGINOON

ninyong Diyos, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak, sa buong daang inyong nilakaran

hanggang sa dumating kayo sa dakong ito. 32 Gayon ma'y sa bagay na ito, ay hindi kayo

sumampalataya sa PANGINOON ninyong Diyos, 33 Na nagpauna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo

ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi, upang ituro sa inyo

kung saang daan kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw.

1:26 “nanghimagsik” Ang PANDIWA (BDB 598, KB 632, Hiphil DI-GANAP) ay naging isang

pangkaraniwan salita sa Deuteronomio (e.g., 1:26,43; 9:7,23,24; 21:18,20; 31:27; at gayundin sa Mga

Awit). Ang KAUGNAY nito sa Aramaiko ay nangangahulugang “makipagtalo sa” at sa Syriac,

“makipaglaban sa.” Ito ay nagpapakilala ng isang kinusa, at batid na pagsuway (hindi pagsunod)!

“ang utos ng PANGINOON” Ang kautusan sa vv. 8 at 21 ay para sa kanila na humayo at ariin ang

lupain.

1:27 “kayo’y dumaing sa inyong mga tolda” Ang mga tao sa kanilang told ay dumadaing (BDB 920,

KB 1188, Niphal DI-GANAP); hindi nila ginagawa ito sa malda, ngunit nakita ng Diyos ang kanilang mga

puso (cf. Mga Awit 106:25) at nalaman na sila ay naghihimagsik laban sa Kanya (i.e., “mga mapanirangpuring

bulong,” cf. Kawikaan 16:28; 18:8; 26:20,22). Nalalaman ng Diyos hindi lamang ang ating mga

sinasabi (cf. v. 25c), ngunit kung ano ang nasa loob ng ating mga puso—ating mga motibo (cf. Mga

Bilang 14:1-6).

“kinapootan tayo ng PANGINOON” Sa talatang ito, ang mga tao ay tinutuligsa ang mga layunin at

kalikasan ng Diyos (e.g., 9:28). Nakalimutan nila ang mga kahanga-hangang mga pangako at mga

pagtubos ng Diyos sa panahon ng kanilang paglalakbay mula sa Sinai patungong Cades at nagsimulang

tumuon sa kanilang pangkasalukuyang kalalagayan, na kanilang tinitingnan bilang mapangwasak.

1:28 “pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso” Ang mga tao ay sinubukang sisihin

ang mga espiya para sa kanilang di-pananampalataya. Ang salitang “nanlupaypay” (BDB 587, KB 606)

ay isang talinghaga para sa isang taong nagiging matatakutin at nawawala na ang kakayahang tumutol

(cf. 20:8; Josue 2:11; 5:1; 7:5; at maaaring 14:8).

NASB, REB “malalaki at matataas”

NKJV, Peshitta “mas dakila at matataas”

NRSV, TEV,

NJB, NIV “malalakas at matataas”

NET

“mas madami at matataas”

Ito ay maliwanag mula sa mga magkakaibang salin na ang tanong ay patungkol sa unang salita. Ito

ba ay magkakasingkahulugan o ito ba ay nagdadagdag ng bagong kaalaman

Ang PANG-URI (BDB 152) ay karaniwang nangangahulugang “malawak.” Ito ay ginagamit sa:

1. Malawak sa nasasaklaw

2. Malawak sa bilang

3. Malawak sa katindihan

31

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!