29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

taontaon sa iyong bukid. 23 At iyong kakanin sa harap ng PANGINOON mong Diyos, sa dakong

kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong

trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong

kawan; upang magaral kang matakot sa PANGINOON mong Diyos na palagi. 24 At kung ang daan

ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala ng ikapu, sapagka't totoong

malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng PANGINOON mong Diyos na paglalagyan ng kaniyang

pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng PANGINOON mong Diyos: 25 Ay iyo ngang sasalapiin, at

iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng PANGINOON mong

Diyos: 26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa

alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon

sa harap ng PANGINOON mong Diyos, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;

27 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay huwag mong pababayaan:

sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo.

14:22 “ikapu” Ang Mga Bilang 18 ay tumatalakay sa mga ikapu para sa lokal na mga Levita gayundin sa

mga saserdote sa punong dambana. Gayunman, ang talatang ito ay tumutulad sa kabanata 12 at tumutukoy

sa karamihan na may lokal na pang-agrikulturang mga isyu sa ikapu. Tingnan ang mga tala sa kabanata

12.

14:26 “At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo” Ito ay tumutukoy sa mga bagay na

kailangang ibigay na ikapu sa punong sambahan (dambana). Ito ay kahalintulad sa 12:20. Ang

pariralang ito ay naghahatid nang kabaliwan sa mga “legalista”! Ninais ni YHWH ang ating kaligayahan!

Nais niya itong ibahagi sa atin (cf. 12:7,18; 16:14; 27:7; I Cronica 29:22; Mga Awit 104:15; Ecclesiastes

2:24; 3:12,13,22; 5:18; 8:15; 9:7-9; Isaias 22:13). Ang NT ay pinalawak ang konseptong ito sa

pamamagitan ng maliwanag na paghahayag na wala sa pisikal na paglilikha ay madumi sa at ng kanyang

sarili (e.g., Mga Gawa 10:15; Roma 14:2,14,20; I Corinto 6:12; 10:23-26; I Timoteo 4:4). Hindi ito

nangangahulugan ng pagbibigay ng lisensya sa mga tao sa kasalanan, ngunit upang palakasin ang

Kristiyanong kalayaan mula legalismo at maling paghahatol (cf. Colosas 2:16-23). Gayunman, ang

malagong mananampalataya ay mag-iingat habang sa nalugmok na mundon ito, huwag gagawa na

maaaring ikatisod ng mas mahinang kapatid kung saan si Kristo ay namatay (cf. Roma 14:1- 15:13)!

“matapang na inumin” Ito (BDB 1016) ay alak kung saan ang ibang likas na maaasim na katas ay

idinagdag upang tumaas ang bahagdan ng alkohol (i.e. mas nakakalasing). Tingnan ang Natatanging

Paksa sumusunod.

NATATANGING PAKSA: ALKOHOL (PAGPAPAASIM) AT ALKOHOLISMO (PAGKAGUMON)

I. Biblikal na mga Salita

A. Lumang Tipan

1. Yayin - Ito ang pangkalahatang salita para sa alak (BDB 406), na ginamit ng 141

beses. Ang pinagmulang salita ay di tiyak dahil hindi ito nag-ugat sa Hebreo. Ito ay

laging nangangahulugang pinangasim na katas ng bunga, kadalasan ay ubas. Ilang

mga tipikal na sipi ay ang Genesis 9:21; Exodo 29:40; Bilang 15:5,10.

2. Tirosh - Ito ay “bagong alak” (BDB 440). Dahil sa ma-klimang kondisyon ng Near

East, nagsisimula ang pagpapaasim makalipas ang anim na oras matapos ang

pagkakatas sa bunga. Ang salitang ito ay tumutukoy sa proseso ng pagpapaasim.

Para sa ilang mga tipikal na sipi tignan ang Deuteronomio 12:17; 18:4; Isaias 62:8-9;

Osea 4:11.

3. Asis - Ito ay halatang isang alkohol na inumin (“matamis na alak,” BDB 779, e.g. Joel

189

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!