29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

mga larawang inanyuan na kanilang mga diyos; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa

dakong yaon. 4 Huwag kayong gagawa ng ganito sa PANGINOON ninyong Diyos. 5 Kundi sa

dakong pipiliin ng PANGINOON ninyong Diyos sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng

kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon

kayo paroroon: 6 At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong

mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay,

at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong

mga bakahan at sa inyong mga kawan: 7 At doon kayo kakain sa harap ng PANGINOON ninyong

Diyos, at kayo'y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay, kayo at ang inyong mga

sangbahayan kung saan ka pinagpala ng PANGINOON mong Diyos.

12:1 “ang mga palatuntunan at mga kahatulan” Tingnan ang Natatanging Paksa sa 4:1.

“na inyong isasagawa” Ito ay isang pagsasama ng isang PANDIWA, “manatiling nagmamasid” (BDB

1036, KB 1581, Qal DI-GANAP) at isang Qal PAWATAS NA PAGKAKAYARI, (BDB 793, KB 889). Ito ay

isang inuulit na paksa (e.g., Exodo 23:13,21; 34:11-12; Levitico 18:4-5,26,30; Deuteronomio

4:6,9,15,23,40; at mas marami lalo na sa Deuteronomio at Pangkarunungan Panitikan).

“a lupain na ibinibigay sa iyo ng PANGINOON, ang Diyos ng iyong mga magulang” Ang PANDIWA

ay nagpapakita buong pagkilos (BDB 678, KB 733, Qal GANAP), ngunit ang pangyayari ay sa

hinaharap. Ito ay isang Hebreong paraan ng pagpapakita ng katiyakan (i.e., Prophetic Perfect). Ito ay

isang inuulit paksa sa Deuteronomio (cf. 1:8,20,21,25,35,36,39; 2:29; 3:18,20; 4:1,21,38,40; 5:16,31;

6:10,23; 7:13,16; 8:10; 9:6,23; 10:11; 11:9,17,21,31; 12:1,9; 15:4; 17:14; 18:9; 19:1,2,8,14; 21:23;

24:4; 25:15,19; 26:1,2,3,6,9,10,15; 27:3; 28:8,11,52; 31:7; 32:49; 34:4). Ito ay nagpapakita na

mapagbiyayang pagpili at pagtustos ni YHWH para sa Israel.

“upang ariin” Ang PANDIWA (BDB 439, KB 441, Qal PAWATAS NA PAGKAKAYARI) ay isang inuulit

na pangako. Tingnan ang Natatanging Paksa: Ariin ang Lupain sa 8:1.

“sa ibabaw ng lupa” “sa ibabaw ng mundo” ay isa pang paraan ng pagsasabing “sa Lupain” (cf. v. 19).

Gaya ng mahabang bilang ang mga Israelita na iningatan ang mga kautusan ng Diyos, sila ay maaaring

manirahan (mabuhay) sa Ipinangakong Lupain. Tingnan ang tala sa 4:40.

Ang talatang ito ay mayroong dalawang magkaibang mga salita para sa “lupain”:

1. “sa lupain” - BDB 75

2. “sa ibabaw ng mundo” - BDB 9

Sila kapwa tumukoy sa buong mundo o sa lupain ng Canaan. Sila ay karaniwang mga magkasingkahulugan

(cf. 4:38-40; 11:8-9; 12:1; 26:2,15).

12:2 “Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako” “Lubusang gibain” ay nagmula sa isang

Hebreong salita na nangangahulugang “magdulot ng pagkawasak” (BDB 1, KB 2, Piel PAWATAS NA

LUBUSAN at Piel DI-GANAP, na nagpapakita nang kasidhian, cf. v. 3; Mga Bilang 33:52 [na dalawang

beses]; II Mga Hari 21:3). Ang Diyos ay nagpapaalala sa mga Israelita na gibain ang mga paganong altar

na sa gayon ay hindi maging bahagi ng kanilang pagpapayabong na pagsamba (cf. Exodo 23:24; 34:13).

“sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawa't punong kahoy na sariwa” Ang mga pook na ito ay

ang lokal na Ba’al at mga altar ng Asera kung saan ang mga ritwal ng pagpapayabong ay isinasagawa

(cf. Jeremias 2:20; 3:2,6; 17:2; Isaias 57:5,7; Osea 4:13).

12:3 “mga sagradong dambana” Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

161

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!