29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

23:13

NASB “isang pala”

NKJV “isang kasangkapan”

NRSV, NJB “isang timba”

TEV “isang patpat”

Ang Hebreong termino (BDB 450) ay tumutukoy sa ilang uri ng kasangkapan sa paghuhukay.

Maging ito ay isang pang-hukbong sandata na ginamit para sa dalawa layunin o isang hiwalay na bagay

tulad ng isang pang-ipit ng tolda na dinadala carried para sa layuning ito ay di-tiyak.

NASB “mga kasangkapan”

NKJV, TEV,

NJB “kagamitan”

NRSV “kasangkapan”

Ang (BDB 24) kahulugan ng termino ayy di-tiyak. Ang Arabe ay nangangahulugang “mga pagmamayari,”

habang ang Aramaiko ay nangangahulugang “mga sandata.” Sa konteksto, ito ay tila isang panghukbong

sandata na ginamit din bilang isang gamit sa paghuhukay na kasama sa pang-seremonya at

panakip sa panganganlaga ng katawan sa pagdumi. Ito ay ginamit lamang dito sa buong OT.

23:14 “at PANGINOON mong Diyos ay lumalakad sa gitna ng iyong kuta” Ito ay isang maaaring

sanggunian sa Mga Levita na nagdadala ng Kaban ng Kasunduan (cf. Exodo 25:10-22), na siyang pumalit

sa shekinah na ulap (e.g., Exodo 13:21-22; 14:19-20; 16:10; 19:9,16; Levitico 16:2,13) bilang isang

sagisag ng Presensya ng Diyos pagkatapos na tumawid sa Jordan. Ang mga rabbi pagkatapos, ay kinuha

ang talatang ito sa literal at nagpasyang na walang pataba ang maaaaring magamit sa mga hardin ng

lungsod ng Herusalem.

“anomang maruming bagay” Ito ay isang KAYARIAN ng “salita” (BDB 182 IV, #6) na may

“kahubaran” (BDB 788, #2, cf. 24:1). Sa konteksto, ito ay tumutukoy pang-seremonyang kalinisan na

nauugnay sa mga likido ng katawan (cf. Levitico 15). Ito ay tila isang paraaan ng pagtuturo sa Israel na

ang presensya at kapangyarihan ni YHWH na nasa kanila ay kailangang umugma sa kanilang

“kabanalan” at palagiang pagbabantay.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 23:15-16

15 Huwag mong ibibigay sa kaniyang panginoon ang isang aliping nagtanan sa kaniyang

panginoon na napasa iyo: 16 Siya'y tatahang kasama mo, sa gitna mo, sa dakong kaniyang

pipiliin sa loob ng isa sa iyong mga pintuang-daan na kaniyang magalingin: huwag mo siyang

pipighatiin.

23:15 “Huwag mong ibibigay sa kaniyang panginoon ang isang alipin” Ang pangunahing

pangkahulugang tanong ay ang pagkabansa ng isang alipin at ng kanyang panginoong. Kanino ito

tiyakang tumutukoy Ito kailangang tumukoy sa isang dayuhang alipin o isang dayuhang panginoon ng

alipin (o kapwa). Maliwanag nitong ipinapakita ang pagkakaunawa ng Israel na ang isang alipin ay mas

higit kay sa buhay na kasangkapan. Pinahihintulutan ni YHWH ang paglilingkod sa ilalim ng mga

pagtatakda at hangganan, ngunit Siya rin ay kumakalinga para sa walang kapangyarihan, walang

magawa, at walang lakas!

23:16 Pansinin ang mga inuulit na kalayaan na hinihingi ni YHWH para sa nakatakas na dayuhang alipin:

1. “tatahang kasama mo” - BDB 442, KB 444

2. “sa dakong kaniyang pipiliin” - BDB 103, KB 119, Qal DI-GANAP

3. “na kaniyang magalingin” - BDB 373 II

4. “huwag mo siyang pipighatiin” - BDB 413, KB 416, Hiphil DI-GANAP

272

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!