29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“Seir” ay tumutukoy sa bulubundukin sa bansa ng Edom. Samakatuwid, ang “Seir” at “Edom”

magkasingkahulugan.

2:8, 27 “daan ng Araba” Ito ay tumutukoy sa “Lansangan ng mga Hari,” mula ang Golpo ng Aqaba

patungo saDamasco (cf. v. 1 at Mga Bilang 20:17,19; 21:22).

2:8 “Elath” Ito sa literal ay “mga puno ng palma” (BDB 19). Ito ay maaaring malapit sa Esion-geber (cf.

I Mga Hari 9:26), na nasa dulong hilaga ng Golpo ng Aqaba.

“nagdaan sa ilang ng Moab” Ang Macmillan Bible Atlas, map 10, ay nagpapakita ang ang daang

disyertong ito bilang kahalintulad ng “Lansangan ng Hari,” ngunit ito ay patungo sa silangan. Ang

katimugang dulo ay dumadaan sa Edom at kilala bilang “ang daan ng ilang ng Edom” (cf. II Mga Hari

3:8). Ang Lansangan ng Hari at at ang mas maliit ng daang disyerto ay nagtatagpo sa Rabbath-beneammon,

na siyang patungo sa silangan ng Jericho.

2:9 “Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma” Ito ay kahalintulad sa 2:5

patungkol sa Edom. Ang mga salita ay naiiba, ngunit ang kaisipan ay katulad.

Kapwa ang MGA PANDIWA ay MGA JUSSIVE:

1. “manligaling” (BDB 849 III, KB 1015, Qal JUSSIVE, cf. Exodo 23:22; Esther 8:11)

2. “galitin” (BDB 173, KB 202, Hithpael JUSSIVE, vv. 19,24; Kawikaan 28:4; Daniel 11:10)

“Ar” Ito ay alinman sa sangunian sa Moab sa pangkalahatan o sa kanyang kabiserang lungsod (cf. Mga

Bilang 21:15,28; Deuteronomio 2:9,18,29; Isaias 15:1). Ito ay matatagpuan sa kaliwang panig ng Ilog ng

Arnon.

“na pinakaari sa mga anak ni Lot” Tingnan ang Genesis 19:38.

2:10-12 Ang mga talatang ito ay isang pang-editoryal na pagpuna, tulad ng vv. 20-23; 3:9,11,13-14. Ang

sumusunod ay lahat ng mga salita para sa mga dambuhala: (1) Emimeo (v. 10,11); (2) Anaceo

(v.10,11,21); at (3) Rephaim (vv. 11,20). Ang mga salitang ay maaaring mangahulugan na alinman (a)

malaki o mataas na sukat; (b) ng isang partikular na etnikong pinagmulan; o (c) huli sa Isaias at Jeremias,

ito ay ginamit para sa nasasakupan ng mga patay. Dito, ito ay maaaring tumutukoy sa laki. Tingnan ang

Natatanging Paksa sa 1:28.

2:12 “Hereo” Mayroong ilang pagtatato patungkol sa kaugnayan sa pagitan ng ang Hereo (BDB 360) at

ang mga Huryano (ABD, tomo 3, pp. 335-338). Sa aking palagay, hindi sila magkatulad (ABD, tomo 3,

p. 288). Naniniwala akong sila ay magkaibang mga tao, kahit na walang paraan na maging dogma ito

(NET Bible, p. 348 #5). Ang Hereo ay isang pang-tribung pangkat na naninirahan sa rehiyon ng

Edom/Seir bago naging bansa ang Edom (cf. Genesis 14:6; 36:20-30).

2:13 “Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo” Ang dalawang MGA PANDIWA (BDB 877, KB 1086 at

BDB 716, KB 778) ay kapwa Qal MGA PAUTOS. Si YHWH pa rin ang nagsasabi kay Moises kung ano

ang gagawain.

“batis ng Zered” Ito ang pangalan ng isang wadi sa pagitan ng Moab at Edom (cf. Mga Bilang 21:12).

Ang isang wadi ay isang batis na puno ng mineral na lupa na kung saan ang tubig ay tumatakbo tuwing

tag-ulan, isang pana-panahong sapa, hindi isang ilog. Ang batis ay kadalasang bumubuo ng isang

“daan.” Ito ang bumuo ng hangganan sa pagitan ng Edom at Moab.

Ang kahulugan ng salitang “Zered” (BDB 279) ay di-kilala.

45

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!