29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

32:47 “hindi hamak na bagay sa inyo; sapagka't inyong kabuhayan” Ito ang konsepto ng salita ng

Diyos bilang isang nagsasariling kapangyarihan kapag binigkas (cf. Duetronomio 8:3; Awit 33:6,9; Isaias

55:11). Ang salitang ito (mga kasulatan ni Moses) ay makakapagdala ng buhay at kalusugan (cf. 30:20) o

kamatayan at pagkawasak (cf. 30:19). Ang pagsunod ay ang nagpapatuloy na susi sa bisa nito!

TALATA SA NASB (BINAGO): 32:48-52

48

At sinalita ng Panginoon kay Moises nang araw ding yaon, na sinasabi, 49 "Sumampa ka

sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng

Jerico; at masdan mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na

pinakaari.

50

At mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa, at malakip ka sa iyong bayan,

gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor, at nalakip sa kaniyang baya,

51

Sapagka't kayo'y sumalansang laban sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng

Meriba ng Cades, sa ilang ng Zin; sapagka't hindi ninyo ako inaring banal sa gitna ng mga

anak ni Israel. 52 Sapagka't iyong matatanaw ang lupain sa harap mo; nguni't doo'y hindi ka

makapapasok, sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel.

32:49-50 Ang dalawang mga talatang ito ay may ilang mga PAUTOS:

1. “sumampa,” v. 49 - BDB 748, KB 828, Qal PAUTOS

2. “masdan,” v. 40 - BDB 906, KB 1157, Qal PAUTOS

3. “mamatay,” v. 50 - BDB 559, KB 562, Qal PAUTOS

4. “malakip” - BDB 62, KB 74, Niphal PAUTOS

Ang huling mga aksyon ni Moses ay isinulat ng Diyos na nagmahal sa kanya, gumamit sa kanya, at

ginawang responsable siya sa kanyang mga aksyon!

32:49 “Abarim” Ito ang mga bulubunduking mga saklaw (cf. Bilang 27:12-14).

“Bundok Nebo” Ito ang pinakamataas na tuktok ng bulubunduking saklaw. Posibleng ang tuktok na

ito ay napakalapit sa hilagang bahagi ng Dead Sea sa tapat ng Jericho sa baligtad na bahagi ng Jordan

Valley.

32:50 “At mamatay ka sa bundok” Ang implikasyon ng talata ay magkakaroon ng katapusan ang buhay

sa mundo ni Moses (cf. v. 34), ngunit siya ay patuloy na mabubuhay kasama ng kanyang pamilya at mga

kababayan na naunang mga namatay.

“Bundok Hor” Ang kamatayan at burol ni Aaron ay unang naitala sa Bilang 20:22-29; 33:38-39.

Gayunpaman, ang Deutronomio 10:6 ay nagsasabi na siya ay namatay at siya ay nailibing sa Moseroth (cf.

Bilang 33:30-31). Hard Sayings of the Bible, p. 166, ay nagsasabi na ang Moserah ay ang pangalan ng

lugar at ang Bundok Hor ang pangalan ng partikular na bundok.

32:51 “Sapagka't kayo'y sumalansang laban sa Akin” (cf. Bilang 20; 27:14; Deutronomio 1:37; 3:23-

27). Ito ay kahilera sa “sapagkat hindi mo Ako itinuring na banal.” Ang bukas at halatang pagsunod ni

Moses sa harap ng lahat ng tao sa Bilang 20 at muli sa Bilang 27, ay nagdulot sa kanya ng pampublikong

paghatol ng Diyos at hindi pinahintulutang makapasok sa Lupang Pangako.

32:52 Ito ay higit pang pinahaba sa kabanata 34.

377

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!