29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

5. ang lupain ay isang nasusunog na dumi, v. 23

6. ang lupain ay hinasikan, ngunit walang pagsibol, v. 23

7. ang lupain ay tigang, v. 23

8. ang lupain walang mga damo, v. 23

9. ang lupain gaya ng mga bayan sa Kapatagan (cf. Genesis 19:24) Lahat ng mga ito ay ipinadala ni

YHWH (cf. vv. 22-28).

29:22 “At ang mga lahing darating. . . ay magsasabi” Ang panitikang anyo na ito (i.e., ang mga anak ay

nagbibigay ng mga tanong) ay nakita ng una sa 6:20, na nagpapakita ng Exodo 13:8,14; 10:2; 12:26,27.

Ang Deutronomio madalas na nagsasalita ng pagtuturo sa mga anak (e.g., 4:10; 6:7).

29:23 “t ang buong lupaing yaon ay asupre, at asin” Ang lupain ay magiging kagaya ng lugar ng Dead

Sea, na lugar na Sodoma at Gomorrah (cf. Genesis 19:24-26).

29:24 “lahat ng mga bansa ay magsasabi” Ang Israel ay isang tanda sa lahat ng mga bansa patungkol

kay YHWH. Ito ay ninais na maging pagpapalang tanda kahit na maging paghuhukom, ito pa rin ay isang

tanda!

29:25 “Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan” Ito ang naging isang pangunahing kadahilanan para

sa banal na mga sumpa (cf. II Hari 17:9-23; II Cronico 36:13-21).

29:26 “mga diyos. . .mga diyos” Sa literal ito ay Elohim. Ang terminong ito ay pangmaramihan. Ito ay

madalas na isinalin “Diyos.” Ito rin ay maaring tumukoy sa malaanghel na nilalang at mga hukom.

Tignan natatanging paksa : Mga Pangalan ng Pagkadiyos sa 1:3.

NASB, NRSV,

JPSOA “Hindi siya naglaan para sa kanila”

NKJV “Hindi Niya binigyan sila ”

NJB

“walang bahagi ng kanilang mga mana ay galing sa kanya”

Sa Septuagint na salin ng 32:8 ang terminong “Elohim” (i.e., “ayon sa bilang ng mga anghel ng

Diyos”) ay wari tumutukoy sa mga bansang mga angel, gaya rito (cf. Isaias 24:21; Daniel 10:13,20).

29:27 “ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa lupaing” Ang lupain ay apektado ng kasalanan ng

Israel (cf. Genesis 3:17) at kasalanan ng tao sa pangkalahatan (cf. Roma 8:18-22). Ang Diyos ay

gumagamit ng natural na penomena upang muling iderekta ang kaisipan at mga priyoridad ng

sangkatauhan.

29:28 “sila'y binunot ng Panginoon” Ang PANDIWA (BDB 684, KB 737, Qal DI-GANAP, cf. I Hari 14:15;

II Cronico 7:20; Jeremias 12:14) ay ang kabaligtaran ng “itinanim”! Ang Tipan ay nabaligtad!

Pansinin kung paano ang mga aksyon ni YHWH ay inilarawan:

1. sa galit - BDB 60 I

2. sa bangis - BDB 404

3. sa matinding poot - BDB 893 at 152

4. ipinatapon sila sa iba na namang lupain (i.e., exile, BDB 1020, KB 1527, Hiphil DI-GANAP)

TALATA SA NASB (BINAGO): 29:14-21

29

" Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Diyos: nguni't ang mga

bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating

magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito."

333

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!