29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

“tatakas sa harap mo sa pitong daan” Ang idyomang ito ay tumutukoy sa matatakutin, walang

kaayusang pag-atras ng Israel (cf. vv. 20, 25). Tignan Natatanging Paksa: Simbolikong mga Bilang sa

Kasulatan sa 23:3.

28:8 “pagpapala sa… mga kamalig” Ito tumutukoy sa butil ng mga kamalig (cf. Kawikaan 3:10).

Kalunay ang Judaismo ay nagsasabi na ito ay tumutukoy sa pagpapala ni YHWH sa isang tao ng sekreto.

“sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos” Ito ay mula pa sa pangako kaw

Abraham sa Genesis 12:1-3. Ang lupain ay ang espesyal na pangako ng Diyos na natupad sa

Exodus/pagsakop.

28:9 “Itatatag ka ng Panginoon” Ang PANDIWA (BDB 877, KB 1086, Hiphil DI-GANAP) na ito ay

karaniwang nangahulugan ng “itataas.” Ito ay ginamit ng ilang magkakaibang mga pakahulugan sa

Deutronomio sa Hiphil (i.e., [1] nagkumpirma ng isang tipan, cf. 8:18; [2] laging nasa eksena, cf.

18:15,18; [3] itaas ang bumagsak na baka, cf. 22:4; at [4] magtatag ng ala-alang mga bato, cf. 27:3). Ito

ay ginamit dito sa isang metaporikal na pakahulugan ng “magtatag,” gaya ng sa 25:7 at 29:13.

“isang banal na bayan” Ang salitang “banal” ay nangahulgan “inihiwalay para sa paglilingkod sa

Diyos” (BDB 871 at 872, Tignan Natatanging Paksa sa 5:12, cf. Exodo 19:5-6). Ang Israel ay ninais na

maging isang kaharian ng mga saserdote na magdadala sa lahat ng mga bansa kay YHWH.

“lalakad” Ito ay isang biblikal na metapora para sa pamumuhay pananampalataya at pagsunod.

28:10 “At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng

pangalan ng Panginoon” Ang pariralang “tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon” (BDB

894, KB 1128, Niphal GANAP) ay nagpapakita ng pagkamay-ari ni YHWH sa Israel (cf. II Samuel 6:2;

Isaias 43:7; Jeremias 7:10-12; 14:9; 15:16; 32:34; Daniel 9:18,19; Amos 9:12).

Si YHWH ay nais ang Israel na maging kapahayagang daluyan para sa buong mundo na makilala

Siya. Nais Niya na pagpapalain ang Israel upang makuha ang atensyon ng mga bansa at magkagayun ay

maakit ang mga bansang ito tungo sa Kanya (cf. v. 25, 37). Tignan Natatanging Paksa sa 4:6.

“matatakot sa iyo” Ang mga pagpapala ni YHWH, ay kapwa pangtahanan at militar na lugar, ay

magdudulot ng takot/paggalang (BDB 431, KB 432, Qal GANAP, cf. 7:19; 17:13) sa bahagi ng mga

mapamahiing mga pagano ng mga nakapalibot na mga bansa.

Ang Israel ay hindi dapat matakot (BDB 431, KB 432) si YHWH ay kasama nila, para sa kanila, at

lalaban para sa kanila (e.g., 1:21,29; 3:2,22; 7:18; 20:1,3; 31:6,8).

28:11 Ito ay isang buod ng talata ng pagpapala ng Diyos sa isang masunurin sa tipan ng mga tao

(e.g., 11:14).

28:12 “ang kaniyang mabuting kayamanan” Ito ay (BDB 373 II and 69) isang simbolo ng langit at

ulan (cf. vv. 23-24; Awit 85:12; Malakias 3:10). Ito ay isang posibleng sarkastikong reperensiya sa

pagsamba kay Ba’al. Si Ba’al ay ang taga-Canaan ng diyos ng kasaganaan (i.e., ulan, cf. I Hari 17-18).

Subalit, si YHWH ang nagtutustos ng lahat ng mga pagpapala sa Kanyang bayan (cf.47; 11:14; Levitico

26:4).

“upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan” Ang PANDIWA (BDB 678, KB 733) na

ito ay ginamit ng palagian sa kabanatang ito para sa tipanang mga kaloob ng pagpapala ni YHWH (cf.

vv. 1,7,8,11,12,13). Hindi lamang si YHWH ay bubuksan ang bintana ng langit at magpapadala ng ulan,

ngunit gagawin Niya ito sa nararapat na panahon (i.e., naunan at kalaunang mga ulan, ang panahon ng

313

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!