29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

PAG-AARAL NG SALITA AT TALATA

TALATA SA NASB (BINAGO): 29:1

1

Ito ang mga salita ng tipan na iniutos ng Panginoon kay Moises na gawin sa mga anak ni

Israel sa lupain ng Moab, bukod sa tipang kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb.

29:1 “salita ng tipan na iniutos ng Panginoon kay Moises na gawin” Ito ang ikatlong talumpati ni

Moses sa Deutronomio (mga kabanata 29-30). Pinaalalahanan niya tayo na ang mga kautusang ito ay

mula kay YHWH, hindi sa kanyang sarili.

“bukod sa tipang” Ito ay tumutukoy sa tipan sa Bundok Sinai/Horeb (tignan natatanging paksa sa

1:2, cf. 5:2ff; Exodo 19-24) at sa mga kapatagan ng Moab (cf. 1:5; 5:1,3,5-26). Ito ay binaybay ng

malinaw sa Exodo 20-31. Ito ay muling pinambago sa Exodo 34; Deutronomio 29-30; at Josue 24. Para

sa “Tipan” tignan natatanging paksa sa 4:13.

TALATA SA NASB (BINAGO): 29:2-9

2

At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, “Inyong nakita yaong lahat na

ginawa ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata sa lupain ng Egipto, kay Faraon at sa lahat

ng kaniyang lingkod at kaniyang buong lupain; 3 Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong

mga mata, ang mga tanda, at yaong mga dakilang kababalaghan. 4 Nguni't hindi kayo binigyan

ng Panginoon ng pusong ikakikilala at ng mga matang ikakikita, at ng mga pakinig na

ikaririnig, hanggang sa araw na ito. 5

At aking pinatnubayan kayong apat na pung taon sa

ilang: ang inyong mga damit ay hindi naluma sa inyo, at ang iyong panyapak ay hindi naluma

sa iyong paa. 6

Hindi kayo kumain ng tinapay, ni uminom ng alak o inuming nakalalasing:

upang inyong makilala na ako ang Panginoon ninyong Diyos. 7 At nang kayo'y dumating sa

dakong ito, ay lumabas si Sehon na hari sa Hesbon at si Og na hari sa Basan, laban sa atin sa

pakikibaka, at ating sinugatan sila; 8 At ating sinakop ang kanilang lupain at ating ibinigay na

pinaka mana sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases. 9 Ganapin

nga ninyo ang mga salita ng tipang ito, at inyong gawin, upang kayo'y guminhawa sa lahat ng

inyong ginagawa."

29:2 “buong Israel” Ito ay madalas na tumutukoy lamang sa mga matatanda, ngunit dahil sa vv. 1-13,

ito ay tila tumutukoy sa kabuuang bansa. Para sa “Israel” tignan natatanging paksa sa 1:1.

29:2-3 “Inyong nakita. . . sa harap ng inyong mga mata” Ito ay isang talinghaga (cf. 4:34; 7:19)

sapagkat ang mga tao na ito ay mga anak ng mga yaong nakakita (cf. Bilang 14:29). Ang mga talata 2-8

ay nagbubuo ng isang makasaysayang repaso gaya ng mga kabanata 1-4, na isang karaniwang elemento

ng Near Eastern mga kasunduan.

“ang mga tanda, at yaong mga dakilang kababalaghan” Ang mga terminong ito “tanda” (BDB

16) at “mga kababalaghan” (BDB 68) ay binanggit ng madalas sa Deutronomio (cf. 4:34; 6:22; 7:19;

11:3; 26:8; 29:2; 34:11) upang tulungan ang kasalukuyang henerasyon ng mga Israelita na alalahanin

ang makapangyarihan, mapangbiyaya na mga gawa ng pagpapalaya at probisyon ni YHWH (cf. vv. 5-7)

sa panahon ng Exodo at Paglalagalag na Ilang na Periyod.

29:4 “hanggang sa araw na ito” Ang pagkabulag ng Israel sa kanilang espesyal na lugar sa eternal na

planong pagtutubos ni YHWH ay hindi lamang isang sinaunang problema (i.e., v. 4), ngunit isa rin

kasalukuyang problema (cf. Mateo 13:14-17; Marcos 4:10-12; Lucas 8:9-10; Juan 12:36b-43; Gawa

28:26-27; at lalo na sa Roma 11:25-32).

Ang ebanghelyo ay inilarawan bilang paunang nadetermina at kaalaman sa una pa lamang ng Diyos

(cf. Gawa 2:23; pansinin rin 3:18; 4:28; 13:29). Tignan natatanging paksa : Ang Ebanghelikong

Pagkiling ni Bob sa 4:6.

328

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!