29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

4:15

NASB “Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili”

NKJV “Ingatan ninyong mabuti ang inyong sarili”

NRSV “Ingatan ninyo at matiyagan nang mahigpit ang sarili”

TEV “Para sa inyong sariling kapakanan, pagkatapos, maging tiyak”

NJB “lubhang mag-ingat sa lahat ng gagawin mo”

Ang PANDIWA (BDB 1036, KB 1581, Niphal GANAP) ay ginamit sa 4:2,6,9 (na dalawang beses),

15,23,40. Ang pagkilos ng Israel ay may pasubaling kaugnayan sa kasunduan ni YHWH. Sila ay walang

tigil na pinagbabawalan sa pagsamba sa diyus-diyusan (cf. 5:8-10).

4:16 “mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan” Ito ay isang

sangunian sa ginintuang baka (cf. Exodo 32) na kaugnay sa kawalang katawan ni YHWH. Ang mga

Israelita ay hindi kakatawanin si YHWH sa pamamagitan ng kahit anong bagay (cf. vv. 16-18,23,25; 5:8;

Exodo 20:4).

“na kahawig ng lalake o babae” Ang pagkahilig ng sangkatauhan ay itinulad ang Diyos sa isang

lalaki o babae. Kung tayo ang maglalagay sa Diyos sa isang anyong pantao, inilagay natin Siya sa isang

anyo na maaari nating pamahalaan.

4:17 “Na kahawig ng anomang hayop” Ito ay maaaring tumukoy sa (1) sa paggamit ng mga hayop ng

ibang mga bansa upang katawanin ang kanilang mga lalaki at babaeng diyus-diyosan o (2) mga katangian

ng mga hayop na naglalarawan sa Diyos.

4:18 “ng anomang bagay na umuusad sa lupa” Ito ay maaaring tumutukoy sa ang Scarab na bubuyog

ng Ehipto na banal sa kanila.

4:19 “ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit” Ang mga sinauna,

gayundin ang mga makabago (horoscope), ay tinatantsa na ang mga bituin ay kumakatawan sa mga

pwersa o mga kapangyarihan na namamahala sa mga buhay ng mga tao. Ang pagsamba sa mga nilalang

sa kalangitan ay tila nagsimula sa Babilonya (Genesis 1 ay maaaring kumatawan sa isang reaksyon sa

ganitong uri ng pagsamba sa diyus-diyusan, tulad ng Exodo 20 na kumakatawan sa isang reaksyon sa

pagsamba sa diyus-diyusan ng Ehipto). Ang Israel ay kailangang mariing itanggi ang ganitong uri ng r

pagsamba sa diyus-diyusan!

“na binahagi ng PANGINOON ninyong Diyos sa lahat ng mga bayan” Ang PANDIWA (BDB 323,

KB 322, Qal GANAP) ay nangangahulugang “hatiin,” ngunit sa kaunawaan ng pamamahagi o

pagbabaha-bahagi. Ito ay maaaring magpahiwatig na ang Diyos ay nanghihimok sa panghimpapawid na

pagsamba, ngunit sa halip sa aking palagay, ito ay isa pang paraan ng pagpapakita ni YHWH ng

kapangyarihan na higit sa lahat ang mundo (cf. 29:26; 32:8). Ang pagsamba sa diyus-diyosan ay hindi

kailanman plano o kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan.

4:20 “sa hurnong bakal” Ang isa hurno ay ginagamit ang walang pakinabang na bato, tinutunaw ito at

ginagawang may gamit na bakal. Ito ay isa pang paghahalintulad sa kung ano ang ginawa ng Diyos sa

Israel doon sa Ehipto (cf. I Mga Hari 8:51; Jeremias 11:4 at ang katulad talinghaga sa Isaias 48:10).

“upang kayo'y maging sa kaniya'y isang bayang mana” Ito ay isang natatanging titulo para sa

kasunduang bayan ni YHWH (e.g., Exodo 19:5; Deuteronomio 7:6; 14:2; 26:18; Tito 2:14; at I Pedro 2:9).

Sila ay may maka-Diyos na mamanahin (YHWH at lupain) dahil pinili sila ni YHWH bago pa man ang

paglalang (cf. 32:8-9; Mga Awit 33:6-12; Jeremias 10:16; 51:19) upang Siya ay katawanin sa mundo.

73

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!