29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

sekswal, ngunit isang dinadala sa isang bahay (cf. v. 12).

Ito ay katulad na pagkakasunod na matatagpuan sa Genesis 3:6!

21:12 “kaniyang aahitan ang kaniyang ulo, at gugupitin ang kaniyang mga kuko” Ito ay isang (1)

pagtatapos (cf. Bilang 6:9,18-19); (2) paglilinis (cf. Levitico 13:33; 14:8-9); o (3) pamimighating (cf. 14:1;

Levitico 21:5; Jeremias 41:5; Ezekiel 44:20) ritwal. Dito, ito ay sumasagisag sa isang bagong araw, isang

bagong buhay, isang bagong pamilya. Ito ay nakakawili na ang kanyang pagbabalik-loob kay YHWH ay

pinagpalagay, ngunit hindi pinahayag. Ang pananampalataya ng asawang lalaki ay ang

pananampalataya ng pamilya!

21:13 “at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina” Bagaman ang teksto ay hindi tiyakang

ipinahahayag na ang babaeng ito ay kailangang walang asawa, ito ay ipinahiwatig. Walang nabanggit na

pagluluksa na nawalang asawang lalaki o ang pagbanggit ng mga anak.

“pagkatapos noo'y sisiping ka sa kaniya” Ito ay isang Hebreong kataga para sa sekswal na

pagtatalik (i.e., na nalulubos sa pag-aasawa). Pansinin na ang pagnanais para sa mga sekswal na

pakikipag-ugnayan, kahit na sa isang di-Israelita, ay hindi ipinagbabawal, ngunit mayroong isang

nararapat na panahon. Ang buwang ito ng pamimighati na nagbibigay ng panahon sa lalaking Hebreo na

makilala ang kaniyang maaaring maging asawa. Kung ang mga bagay ay hindi naging maganda , mayroong

paraang pag-iwas na walang paghihiwalay (diborsyo).

Tandaan din na ang tila kapawan ng isang aktwal na seremonya ng kasalan (cf. Genesis 24:67).

21:14 “pababayaan siya” Ito ay isang teknikal na salita para sa paghihiwalay (diborsyo) (BDB 1018,

KB 1511, Piel GANAP). Siya ay hindi maaaring ipagbili (Qal PAWATAS NA TIYAK at Qal DI-GANAP ng BDB

569, KB 5181, na isang pang-gramatikong paraan ng paghahayag ng diin) tulad ng isang alipin, ngunit

siya may hiwalayan. Tingnan ang tala sa 24:1-4.

NASB “huwag mo siyang aalipinin”

NKJV “huwag mo siyang pagmamalupitan”

NRSV, TEV “huwag mo siyang tratuhin bilang isang alipin”

NJB ----------

Ang PANDIWA (BDB 771 II, KB 849, Hithpael DI-GANAP) ay nangangahulugang “pakitunguhan

nang may kalupitan” o “piliting magpailalim sa kalooban ng isang mas makapangyarihang tao” (cf.

24:7). Si YHWH ay nagnanalinga para sa pantay na pakikitungo kahit na sa nabihag na kababaihan!

NASB, NKJV “sapagkat iyong pinangayupapa siya”

NRSV “sapagkat iyong winalang-puri siya”

TEV

“sapagkat pinilit mo siyang makipagtalik sayo”

NJB

“sapagkat pinagsamantalahan mo siya”

REB

“sapagkat mayroon kang nais gawin sa kanya”

Ang PANDIWANG ito (BDB 776, KB 853, Piel GANAP), sa kontekstong ito, ay ang pinakamainam na

isinasalin tulad ng TEV (e.g., Genesis 34:2; Deuteronomio 22:24,29; Mga Hukom 19:24; 20:5; II Samuel

13:12,14,22,32). Ang mga babae may may dinaranas na:

1. Pagkabihag sa pakikidigma

2. Pagkawala ng pamilya

3. Sapilitang pagsasama sa pagkasal, na ipinagpapalagay na isang pangrelihiyong pagbabalik-loob

4. Sapilitang pagpapatanggal ngayon mula sa tahanan (na may pahiwatig na kasalanan, cf.

Deuteronomio 24:1-4) na walang lugar na pupuntahan

Pansinin na ang talatang ito, at ang susunod din dito, ay nagtatakda ng pangkulturang kapangyarihan

251

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!