29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

DAGDAG PABALAT IKAAPAT

PANGDOKTRINANG PAMAMAHAYAG

Hindi ako partikular na nag-aalintana sa mga pahayag ng pananampalataya o mga kredo. Mas pinipili

ko na manindigan sa Bibliya mismo. Gayunpaman, napagtanto ko na ang pahayag ng pananampalataya ay

magkakapagdulot doon sa mga hindi pamilyar sa akin, isang paraan upang tasahin ang aking doktrinal na

perpektibo. Sa ating panahon ng labis na teolohikal na kamalian at paglilinlang, ang sumusunod na maikling

buod ng aking teolohiya ay inilahad.

1. Ang Bibliya, ang parehong Luma at Bagong Tipan ay, ang kinasihan, walang pagkakamali,

mapanghahawakan, eternal na Salita ng Diyos. Ito ang sarili-kapahayagan ng Diyos na itinala ng mga tao

sa ilalim ng supernatural na pamumuno. Ito ang ating tanging pinanggagalingan ng malinaw na

katotohanan patungkol sa Diyos at sa Kanyang mga layunin. Ito rin ang tanging pinangagalingan ng

pananampalataya at pagsasagawa para sa Kanyang iglesya.

2. Mayroon lamang iisa walang-hanggang Diyos. Siya ang manlilikha ng lahat ng mga bagay, nakikita at

di-nakikita. Ipinahayag Niya ang Kanyang sarili bilang isang mapagmahal at mapagkalinga bagamat Siya

rin at patas at makatarungan.. Ipinahayag Niya ang Kanyang sarili sa tatlo natatanging mga persona: Ama,

Anak at Espiritu, tunay na magkakahiwalay gayunman ay magkapareho sa esensya.

3. Ang Diyos ay aktibo sa pagkontrol sa Kanyang mundo. Mayroon Siyang isang parehong walanghanggang

plano para sa Kanyang nilikha na hindi mababago at ang indibidwal na pokus na nagbibigay

pagkakataon sa malayang pagpili ng tao. Walang mangyayari na hindi lingid sa kaalaman at permiso ng

Diyos, ngunit pinahihintulutan Niya ang indibidwal na pagpili parehong sa mga anghel at sangkatauhan. Si

Hesus ay ang Piniling Tao ng Ama at ang lahat ay potensyal na pinili sa Kanya. Ang kaalaman sa simula

pa lamang ng Diyos ay hindi nagpapababa sa sangkatauhan tungo sa isang nadeterminang isinuluta na

eskrip. Lahat tayo ay responsable sa ating mga kaisipan at mga gawa.

4. Ang sangkatauhan, bagamat nilalang ayon sa wangis ng Diyos at malaya mula sa kasalanan, ay pinili

na magrebelde laban sa Diyos. Bagamat tinukso ng isang supernatural na ahente, sina Adan at Eba ay

responsable para sa kanilang tahasang pagkamakasarili. Ang kanilang pagrerebelde ay nakaapekto sa

sangkatauhan at sangnilikha. Tayong lahat ay nangangailangan ng awa at biyaya ng Diyos pareho para sa

ating pangkalahatang kondisyon kay Adan at ating indibidwal na bolisyonal na rebelyon.

5. Ang Diyos ay naglaan ng isang pamamaraan ng pagpapatawad at pagpapanumbalik para sa

makasalanang sangkatauhan. Si Hesukristo, ang natatanging anak ng Diyos, ay naging tao, namuhay ng

walang kasalanang buhay at sa pamamagitan ng Kanyang naghahaliling kamatayan, binayaran ang multa

para sa kasalanan ng sangkatauhan. Siya lamang ang daan sa pagpapanumbalik at pakikisama sa Diyos.

Walang ibang paraan ng kaligtasan maliban sa pananampalataya sa Kanyang natapos na gawa.

6. Ang bawat isa sa atin ay dapat na personal na tanggapin ang inaalok ng Diyos na kapatawaran at

pagpapanumbalik kay Hesus. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng bolisyonal na pagtitiwala sa mga

pangako ng Diyos sa pamamagitan kay Hesus at tahasang pagtalikod sa mga nalalamang kasalanan.

7. Lahat tayo ay lubusang pinatawad at pinanumbalik batay sa ating pagtitiwala kat Hesus at pagsisisi

ng kasalanan. Gayunpaman, ang ebidensya para sa bagong pakikipagrelasyon na ito ay makikita sa isang

binago, at nagbabagong, buhay. Ang tunguhin ng Diyos para sa sangkatauhan ay hindi lamang langit

balang araw ngunit ang maging wangis ni Kristo ngayon. Yaong mga tunay na natubos, bamagat

paminsan-minsan ay nagkakasala, ay magpapatuloy sa pananampalataya at pagsisisi sa kabuuan ng

kanilang mga buhay.

8. Ang Banal na Espiritu ay "ang ibang Hesus." Siya ay umiiral sa mundo upang pangunahan ang mga

nawala patungo kay Kristo at humubog ng pagiging wangis ni Kristo sa mga naligtas. Ang mga kaloob ng

Espiritu at ibinigay sa kaligtasan. Sila ang buhay at ministeryo ni Hesus na hinati-hati sa Kanyang

katawan, ang Iglesya. Ang mga kaloob ay pangunahing mga saloobin at mga motibo ni Hesus na kailangan

himukin ng bunga ng Espiritu. Ang Espiritu ay aktibo sa ating panahon na gaya ng Siya ay nasa biblikal na

panahon.

415

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!