29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

2. 5:21 - Roma 7:7

3. 19:15 - II Corinto 13:1

4. 21:23 - Galacia 3:13

5. 25:4 - II Corinto 9:9; I

6. 27:26 Timoteo - Galacia 5:183:10

7. 30:12-14 - Roma 10:6-8

8. 32:21 - Roma 11:8

9. 32:35 - Roma 12:19-20

10. 32:43 - Roma 15:10

(cf. Richard N. Longenecker, The Biblical Exegesis in the Apostolic Period, pp. 42-43, 92-95). Tila ang

mga manunulat sa NT gumamit ng OT nang malawakan, ngunit hindi sa pangkautusan!

“at ang iyong ina” Ito ay nagpapakita ng mataas na pagtingin para sa pagiging ina kahit na sa

Silanging Lipunan na ang mga kababaihan sa legal, ay nasa antas ng ari-arian o pagmamay-ari. Ang

isang Hebreong ina ay iginagalang sa kanyang sariling tahanan. Ang pamumuno ng mga magulang ay

mahigpit na iginagalang (cf. Exodo 21:17; Deuteronomio 27:16). Ang kapwa ay dapat igalang at sundin

(cf. Kawikaan 1:8; 6:20; 15:20; 19:26; 20:20; 23:22-25; 30:11,17).

“upang ang iyong mga araw ay lumawig” Ang mga talata 33; 4:40; 11:9 ay nagpapakitana ito ay

isang pangako sa isang lipunan, hindi pangunahin sa isang indibidwal. Kung ang isang lipunan ay

itinatangi sa pamamagitan ng paggalang sa tahanan at respeto para sa pampamilyang buhay, ang lipunan

ay tatatag at tatagal ang panahon. Tingnan ang tala sa 4:40.

5:17-21 Ang mga kautusang ito ay pangkaraniwan sa lahat silangang mga lipunan. Mula sa mga

natuklasan sa arkeolohiya, natataman natin ang mga Kautusan Kodigo ng Lipit-Ishtar at Hammurabi sa

Babilonya na mas maaga sa Kautusan ni Moises nang maraming daang taon. Ang Kodigo ni Hammurabi

ay katulad ng ang Sampung Utos. Ang pagkakatulad na ito ay nagpapakita na (1) may mga ilang mga

bagay ang likas na mali sa bawat pagkakataon at lipunan at (2) si Moises ay isang bata sa kanyang

sariling araw at kultura gayundin ay isang propeta ng Diyos.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 5:17

17 Huwag kang papatay.

5:17 “papatay” Ang Hebreong PANDIWANG “papatay” (BDB 953, KB 1283, Qal DI-GANAP) sa orihinal

ay nangangahulugang “marahas na durugin.” Ang buhay ay pag-aari ng Diyos. Hindi ito nangahulugang

ang anumang uri ng pagpatay dahil Israel ay kapwa may parusang kamatayan (e.g., Mga Bilang 35:30)

at Banal na Pakikidigma (e.g., 20:13,16-17). Ang kautusan ay nagsasabing “Huwag kang marahas na

papatay para sa mga makasariling dahilan o paghihiganti” o “huwag kang gagawa ng hindi legal,

pinagplanuhang pagpatay.” Sa aking palatay, ang talatang ito ay hindi maaaring gamiting bilang isang

biblikal na pagbabawal laban sa pang-militar na paglilingkod o kaparusahag kamatayan.

NATATANGING PAKSA: KAPAYAPAAN AT DIGMAAN

I. Panimula

A. Ang Bibliya, ang ating nag-iisang pinanggalingan ng pananampalataya at kasanayan, ay

walang tiyak na talata sa kapayapaan. Sa katotohanan, ito ay isang kabalintunaan sa

kanyang pagpapakilala. Ang OT ay maaaring banggitin bilang isang paraan sa

kapayapaan na pang-militar. Ang NT, gayunman, ay inilalagay ang tunggalian sa

espiritwal na salita ng liwanag at kadiliman.

B. Ang biblikal na pananampalataya, gayundin ang mga relihiyon ng mundo ng nakalipas at

98

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!