29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

kayo ng PANGINOON sa mga lungsod, at kayo'y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga

bansa, na pagdadalhan sa inyo ng PANGINOON. 28 At doo'y maglilingkod kayo sa mga diyos, na

yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato na hindi nangakakakita, ni nangakakarinig, ni

nangakakakain, ni nangakakaamoy. 29 Nguni't mula roon ay iyong hahanapin ang PANGINOON

mong Diyos, at iyong masusumpungan Siya, kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at

ng buo mong kaluluwa. 30 Pagka ikaw ay nasa kapighatian, at ang lahat ng mga bagay na ito ay

dumating sa iyo sa mga huling araw, ay magbabalik loob ka sa PANGINOON mong Diyos, at

iyong didinggin ang kaniyang tinig. 31 Sapagka't ang PANGINOON mong Diyos ay maawaing

Diyos; hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya ni kalilimutan ang kasunduan sa iyong

mga magulang na kaniyang isinumpa sa kanila.

4:25 “nagluwat kayo ng malaon sa lupaing yaon” Ito ay hindi samakatuwid isang pansariling

pangako ng matagal na buhay, ngunit isang pangkalahatang pangako sa mga lipunan na mga magulang

ay magtuturo sa mga anak patungkol sa Diyos at ang mga anak ay igagalang ang mga magulang. Ang

mga matatatag na pamilya ang bumubuo ng mga matatatag na lipunan (e.g., vv. 9, 10,40 at 5:16,33).

“nagpakasama kayo” Ang PANDIWA (BDB 1007, KB 1469, Hiphil GANAP) ay nangangahulugang

“sirain” o “wasakin” at, sa pamamagitan ng matalinghagang karugtong, ito ay tumukoy sa mga paglabag

sa kasunduan (i.e., pagsamba sa diyus-diyusan, cf. 4:16,25; 9;12; 31:29).

“upang mungkahiin ninyo siya sa kagalitan” Ang pariralang ito ay isang Hiphil PAWATAS NA

PAGKAKAYARI (BDB 494, e.g., 32:21; I Mga Hari 15:30; 16:13). Muli, ang antromorpikong wika ay

naglalarawan sa reaksyon ni YHWH sa kasalanan ng tao! Tingnan ang Natatanging Paksa sa 2:15.

4:26 “aking tinatawag ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo sa araw na ito” Ito ay

bahagi ng mga Tratado (Kasunduan) ng Heteo na Suzerain (pangangailangan para sa makapangyarihang

espiritwal na mga saksi, cf. Panimula sa Aklat, VII). Ito ang dalawang pinaka palagiang mga bagay sa

pisikal na paglilikha. Sila ay kadalasang tinatawag na sa pamamagitan ng Diyos na kumilos bilang mga

saksi. Ito gayundin ay nagpapaliwanag ng pangangailangan ng pangkautusang sistema ng Israel para sa

dalawang saksi sa isang panghukumang kaso (cf. Exodo 35:30; Deuteronomio 17:6; 19:15). Ang

parirala na ginamit ay kadalasang may kaugnayan sa pagpapatibay ng kasunduan kay YHWH (cf. 4:26;

30:19; 31:28).

“kayo'y malilipol na madali na walang pagsala sa lupain” Tingnan ang Deuteronomio 27-29,

ngunit pansinin ang teolohikong pagtitimbang ng v. 31. Ang walang tulong, nalugmok na sangkatauhan

ay walang pag-asa sa pangkasunduan pagsunod!

4:27 “pangangalatin kayo sa mga bayan” Ito ay tila pagtaya sa pagpapatapon ng pangkasunduang

bayan sa pamamagitan ng Assyria (722 B.C.) at Babilonya (605, 597, 586, 582 B.C.), na nahulaan sa

28:64 at 29:28.

“malalabing kaunti sa bilang” Ito ay isang bahagi ng mga kahihinatnan na nakapaloob sa pagsuway

ng kasunduan. Ito ay kasalungat sa kasunduang pagpapala na ipinangako kay Abraham sa Genesis 15:5.

4:28 “doo'y maglilingkod kayo sa mga diyos, na yari ng mga kamay ng mga tao” Ang PANDIWA

“paglingkod” (BDB 712, KB 773, Qal GANAP) ay ginamit sa kaunawaan ng pagsamba o pagtupad sa

pangkultong gawain:

1. paayon kay YHWH - Exodo 3:12; 4:23; Deuteronomio 6:13; I Samuel 7:3

2. pasalungat sa ibang mga diyos - Exodo 23:33; Deuteronomio 4:19,28; Josue 23:7; Mga Hukom

2:10,19; 10:6,10; I Samuel 22:10; I Mga Hari 16:31; II Mga Hari 17:12

75

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!