29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

28:32 Pansinin ang kahihinatnan ng mga magulang na Israelita na ito:

1. ang mga anak ay ibinigay sa ibang mga tao (BDB 678, KB 733, Qal BALINTIYAK PANDIWARI)

2. nakita nila itong nangyayari (BDB 906, KB 1157, Qal AKTIBO PANDIWARI)

3. ang kanilang mga ay puno ng pag-aasam sa buong maghapon (ang termino, BDB 479, ay

matatagpuan lamang dito sa OT)

4. wala silang kapangyarihan na mapatigil ito (BDB 34 II, BANGHAY BDB 43)

28:33 “mapipighati” Ang terminong ito ay ginamit ng regular sa mga mayayaman na nagsasamantala sa

mga mahihirap at itinakwil ng lipunan, ngunit ito ay ginamit dito kay YHWH na binabale ang Kanyang

masuwaying bayan.

28:35 “mula sa talampakan ng iyong paa hanggang sa bao ng iyong ulo” Ito ay isang metapora para

sa malawak na karamdaman ng walang makapagpagaling (cf. Job 2:7; Isaias 1:5-6).

28:36 “iyong hari” Si Moses ay napagtanto na mayroong magiging isang hari balang araw (cf. 17:14-

20). Ang mga Israelita ay isang pantribung lipunan. Walang naging hari hanggang kay Saul (cf. I

Samuel 8).

TALATA SA NASB (BINAGO): 28:38-44

38

"Kukuha ka ng maraming binhi sa bukid, at kaunti ang iyong titipunin; sapagka't

39

uubusin ng balang. Ikaw ay maguubasan at iyong aalagaan, nguni't ni hindi ka iinom ng

40

alak, ni mamimitas ng ubas; sapagka't kakanin yaon ng uod. Magkakaroon ka ng mga

puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan, nguni't hindi ka magpapahid ng langis;

41

sapagka't ang iyong olibo ay malalagasan ng buko. Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at

42

mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't sila'y yayaon sa pagkabihag. Lahat

ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang. 43 Ang taga ibang lupa na

nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa.

44

Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: siya'y

magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot."

28:38-42 Muli pansinin ang listahan ng mga pagtatangka ng Israel sa kasaganaan, na hinadlangan ni

YHWH:

Kanilang mga aksyon

Mga Resulta

1. higit na binhi, v. 38 winasak ng balang

2. nagtanim ng mga ubas, v. 39 winasak ng uod

3. nagtanim ng puno ng olibo, v. 40 nagbagsakan ang mga olibo

4. have children, v. 41 ang mga anak ay ginawang bilanggo

5. mga puno at bunga, v. 42 winasak ng mga tipaklong

Ang ipinangakong kasaganaan ni YHWH ay pinanegatibo ng mga sumuway sa tipan na Israel!

28:40 “magpapahid ng langis” Ang mga tao ng sinaunang Near East ay naglalagay ng langis ng olibo

sa kanilang mga mukha bilang simbolo ng kasaganaan at kagalakan (e.g., Ruth 3:3; II Samuel 12:20;

14:2).

28:43-44 Ang dalawang mga talatang ito ay naglalarawan ng pagpapalit ng tungkulin ng Israelita at mga

naninirahang dayuhan (manlalakbay, BDB 158):

1. ang mga dayuhan ay aangat ng mas mataas sa iyo

a. sila ay mas tataas ng tataas (BDB 751)

b. ikaw ay bababa ng mas bababa (BDB 641) [ang pagpapalit ng v. 13]

320

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!