29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

4. namagitan para sa kasunduang bayan (cf. Juan 17)

Para sa isang mahusay na pagtalakay ng tungkulin ng propesiya sa Israel tingnan ang How To Read

the Bible For All Its Worth nina Gordon Fee at Douglas Stuart, pp. 184-189. Ang pangtulong na

pagtalakay na ito ay nagpapatuloy sa pagtalakay sa mga pagpapaliwanag ng mga talata at mga aklat ng

propesiya, pp. 189-204.

18:16 Ito ay nagpahahayag ng pagtatagpo ng Israel at niYHWH sa Bundok Sinai (cf. Exodo 19- 20). Ang

tuwirang kapahayagan mula sa Diyos ay isang nakakasindak na bagay (cf. Exodo 20:18-21)! Ang bayan

ay nangangailangan ng tagapamagitan!

Ang kontekstong ito ay, sa isang kaunawaan, isang maramihang pagkakatupad ng propesiya. Ito ay

maliwanag na tumutukoy sa inuulit na gawain ng propeta sa pambansang buhay ng Israel (cf. TEV). Ang

hari at saserdote ay mula sa isang pamilya, ngunit ang mga propeta ay isa-isang tinatawag ng Diyos upang

mamagitan sa Kanyang kasunduan sa bawat bagong salin-lahi. Gayunman, ito rin ay nagtuturo sa

natatanging tagapagsalita ni YHWH (Hebreong PANG-ISAHAN, vv. 15,18 at ang puna sa 34:10, i.e., ang

Nagdurusang Tagapaglingkod, ang Mesias). Ito ay isa tagapagsalita sa Genesis 3:15; 49:10; II Samuel

7:12-13,16; Isaias 7:14; 9:1-7; 11:1-5; Daniel 7:13; 9:25; Mikas 5:2-5a; Zacarias 9:9. Pansinin din ang

Juan 1:45 at 5:46.

18:17 Ang katulad na kataga, “sila ay nakapagsalita nang mainam,” ay matatagpuan din sa 5:28, ngunit

hindi sa Exodo 19-20. Kaya nga ito ay di-naitalang kapahayagan. Dapat nating tandaan na ang Bibliya

ay bahagi lamang ng salita sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang mga mananampalataya

ay nagpapahayag na ang lahat ay kailangan para sa buhay at doktrina ay isinama, ngunit ito ay hindi

lubusan. Sa kaunawaang ito, ito ay katulad ng mga salita ni Hesus (cf. Juan 20:30; 21:25).

18:18 “Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta” Ang PANDIWA (BDB 877, KB 1080, Hiphil DI-

GANAP) ay madalas gamitin sa panglayunin, pangkasunduang mga pagkilos ni YHWH sa kasaysayan

(e.g., Genesis 6:18; 9:9,11,17; 17:7,19,21; Exodo 6:4; Deuteronomio 18:15,18; 28:9; Mga Hukom

2:16,18; 3:9,15; I Samuel 2:35; I Mga Hari 9:5; 11:14,23; 14:14; II Cronica 7:18, atbp.).

Si YHWH ay nakapangyayari sa kasaysayan, gaya ng mga hinulaang propesiya, tulad ng isa na

tumutukoy kay Hesus (pansinin din ang Mikas 5:2) ay maliwanag na ipinapakita. Ang Bibliya lamang

ang “banal na aklat” na naglalaman ng propesiya!

“Aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya” Ito ay tumutukoy sa kanya na nagsasalita ng

mensahe ni YHWH! Siya ay magsasabi lamang ng mga ipinapahayag sa kaniya ni YHWH (na

pinagtibay ni Hesus, cf. Juan 3:34; 12:49; 14:10; 17:8).

18:19 Tayo ay may pananagutan na kumilos sang-ayon sa kalooban ng Diyos nang minsang malaman

natin ito. Ang tunay na tanong ay kung papaano natin malalaman ang totoong nagsasalita para sa Diyos

(cf. v. 21) Ang mga talatang 20-22 ay isang bahagyang sago. Mayroong iba pang pamantayan (cf.

Deuteronomio 13:1- 2; 18:20-22; Mateo 7; I Juan 4:1-6). Ang talatang ito ay sinipi sa Mga Gawa 3:32-

23!

18:20-22 Ang mga tagapagsalita ng Diyos ay makikilala sa pamamagitan ng (1) pagsasalita sa pangalan ni

YHWH, not ang mga pangalan ng ibang diyos (cf. 20); (2) ang pagiging tama ng kanyang mga pahayag

(cf. v. 22); at (3) ang Deuteronomio 13:1-2 ay kailangan ding maisaalang-alang ang sapagkat ang

pakikitungo ng Diyos sa Israel ay nakabatay sa kanilang espritwal na pagtugon.

Ang isa ay namamangha kung papaanong ang mga makabagong tagapakinig ay hahatulan ang isang

propeta kung ang kanilang prediksyon ay lagpas sa kanilang panahon. Gayundin, ano ang patungkol sa

propesiyang may pasubali na nakabatay sa isang nagsisising pananampalatayang pagtugon ng bayan ng

panahon kung saan ito ay ipinapahayag (i.e., Jonas)

Ang pasubok sa kanilang nag-aangkin na nagsasalita para sa Diyos ay hindi madali. Ito ang ilan sa

233

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!