29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NASB “na sumasangga sa kanya buong araw”

NKJV “Siya'y kakanlungan Niya buong araw”

NRSV “na pumapalibot sa kanya sa buong araw”

TEV “Binabantayan Niya sila sa buong maghapon”

NJB

“na nagproprotekta sa kanya bawat araw”

Ang PANDIWA (BDB 342, KB 339, Qal AKTIBONG PANDIWARI) ay ginamit lamang dito at maaring

mangahulugan na “palibutan ” o “paligiran ng” o “balutan ng.”

NASB, NKJV “mamahinga sa pagitan ng kaniyang mga balikat”

NRSV “mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.”

TEV “siya ay nanahan sa kanilang kalagitnaan”

NJB

“nananahan sa pagitan ng kanyang mga burol”

Ito ay isang metapora para sa (1) isang lugar ng kapayapaan at seguridad (vv. 20,28) o (2) pamumuhay

sa isang nilukubang lugar (i.e., Shiloh, Bethel, o Jerusalem [isang suhestyon ni S. R. Driver]).

TALATA SA NASB (BINAGO): 33:13-17

13

At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi,

"Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain,

Sa mga mahalagang bagay ng langit, sa hamog,

At sa kalaliman na nasa ilalim niya,

14

At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw,

At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan.

15

At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok,

At sa mga mahalagang bagay ng mga burol na walang hanggan,

16

At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon,

At ang mabuting kalooban Niyaong tumahan sa mababang punong kahoy.

Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran,

At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.

17

Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan,

At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro;

Siya niyang ipantutulak sa mga bayan,

lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa.

At sila ang libolibo ng Ephraim,

At sila ang libolibo ng Manases."

33:13-17 Ang pinakamahaba sa mga pagpapala, maliban sa para kay Levi, ay dumaloy hanggang sa mga

anak ni Jose, Ephraim at Manasseh (cf. v. 17, kanyang dalawang mga anak sa Ehipto). Ang mga ito ay ang

pinakamakapangyarihan sa tagahilagang mga tribu.

Sa vv. 13-16b si Moses ay inisa-isa ang mga agrikultural na mga pagpapala sa dalawang mga tribu na

ito. Sa v. 16 c at d ang kalagaya ni Jose sa Ehipto ay kinilala. Sa v. 17 ang kapangyarihan ng dalawang mga

tribung ito ay ipinakilala sa mga hayup na mga metapora.

33:13 Ang talatang ito ay tumutukoy sa kasaganaan ng kahalumigmigan mula sa mga hamog at sa ilalim na

mga pinagmumulan (cf. Genesis 49:25). Ang tubig ay nangangahulugan ng agrikultural na kasaganaan!

33:15 “At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok. . . ng mga burol na walang

hanggan” Ito ay maaring tumutukoy sa mga puno, kapwa para sa pagkain at pagpapatayo.

386

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!