29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“hanggang sa ikaw ay mabuwal, at hanggang sa ikaw ay malipol na madali” Pansinin ang

pararelismo:

1. “winasak” - BDB 1029, KB 1552, Niphal PAWATAS NA TIYAK, cf. 4:26; 6:15

2. “mamatay” - BDB 1, KB 2, Qal PAWATAS NA TIYAK, cf. Levitico 26:38; Deutronomio 4:26;

8:19-20; 11:17; 30:18-20; Josue 23:13,16 dagdag ang PANG-ABAY “madali” (BDB 555 II)

“dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa, na sa gayo'y pinabayaan mo Ako” Pansinin ang

pagkakaiba mula sa mga kautusan ay nakita sa pagpapabaya kay YHWH!

28:21 “ang salot” Ito ay (BDB 184) tumutukoy sa isang salot (cf. Levitico 26:25; Bilang 14:12) gaya ng

ipinadala ni YHWH sa Ehipto (cf. Exodo 5:3; 9:15).

“Ikakapit” Ang PANDIWA (BDB 179, KB 209, Hiphil) ay nasa JUSSIVE na anyo. Ang paghahatol ni

YHWH ay mananatiling nakadikit sa kanila hanggang sa matapos ang tungkulin nito (i.e., “uubusin ka,”

BDB 477, KB 476, Piel PAWATAS NA TIYAK).

Ang termino ay ginamit para sa kung ano ang dapat na gawin ng Israel YHWH (i.e., kumapit sa

Kanya, cf. 10:20; 11:22; 30:20).

28:22 “tabak” Pansinin ang listahan ng mga bagay na ipadadala ni YHWH laban sa masuwaying Israel:

1. pagkahapo (BDB 1006, cf. Levitico 26:16), isang sakit sa baga

2. lagnat (BDB 869, cf. Levitico 26:16)

3. pamamaga (BDB 196)

4. nag-aapoy na init (BDB 359, #2,3, at 4 lahat nagsasangkot ng init; tila ito ay nagpapahiwatig ng

tagtuyot na mga kondisyon, cf.NRSV)

5. talim (BDB 352)

6. salanta (BDB 995 dumi sa mga pananims, cf. I Hari 8:37; II Cronico 6:28; Amos 4:9)

7. amag (BDB 439, cf. I Hari 8:37; II Cronico 6:28; Amos 4:9; Hag. 2:17; ang salita ay

nangahulugang “luntian,” samakatuwid, isang “luntiang amag”)

Kapwa mga tao at agrikultura ay magdurusa at mamamatay! Pansinin ang simbolikong bilang ng

pagdurusa (i.e.,pito; mayroon din pitong mga pagpapala na inilista sa kabanatang ito). Tignan

Natatanging Paksa sa 23:3.

28:23 “sakit na tuyo” Ang bakal ay madalas na isang metapora para sa paghihirap:

1. ang lupain ay hindi makapamunga, dahil walang ulan at ginagawa itong kasintigas ng bakal, v.

23, cf. Levitico 26:19

2. ang pamatok ng bakal ay iniligay sa leeg ng Israel, v. 48

3. Ehipto bilang isang bakal ng pagdurusa, cf. 4:20

TALATA SA NASB (BINAGO): 28:25-26

25

"Pasasaktan ka ng Panginoon sa harap ng iyong mga kaaway; ikaw ay lalabas sa isang

daan laban sa kanila, at tatakas sa pitong daan sa harap nila: at ikaw ay papagpaparoo't

parituhin sa lahat ng mga kaharian sa lupa. 26 At ang iyong bangkay ay magiging pagkain sa

lahat ng mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang taong bubugaw sa

kanila."

28:25 “ikaw ay lalabas sa isang daan laban sa kanila, at tatakas sa pitong daan sa harap nila” Ito

ay isang metapora na naglalarawan sa pangmilitar na pagpaplano ng Israel na naging walang kabuluhan.

Pito ay numerikal na simbolo para sa “perpeksyon.” Ang Israel ay lubusang uurong. Ang mga pangako

ng “banal na labanan” ay naging baligtad!

316

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!