29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

32:9 “ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan” Sa kabaligtaran ang bahagi ng Kanyang bayan

ay ang mismong Sarili ng Diyos (cf. Exodo 19:5; Awit 16:5; 73:26; Panaghoy 3:24). Ang mga Israelita ay

isang natatanging pakahulugan ng espesyal na tipanang bayan ni YHWH (cf. 4:20; 7:6; 14:2; 26:18).

Tignan Natatanging Paksa sa: Ang Ebanghelyon mga Pagkiling ni Bob sa 4:6.

32:10 “sa isang ilang sa lupain” Ito ay isang alusyon ng pagpili ni YHWH sa Israel sa romatikong mga

termino (cf. Jeremias 2:23-; Hosea 2:14-15). Ang paglalarwan na ito ay nagdadaragdag sa paksa ng exodus

(cf. 1:19). Ito ay nagpapahayag ng isang malakas na metapora sa nagpapasimulang pag-ibig ni YHWH para

sa Israel (cf. 10:14-15; Amos 3:2).

Mayroong dalawang magkasalungat na mga paraan sa Mosaik na panitikan sa paghuhusga sa

paglalagalag sa ilang na periyod:

1. isang panahon ng pananampalataya at katapatan

a. Deutronomio 32:10-14

b. Jeremias 2:1-3

c. Hosea 2:14-23

2. isang panahon ng kawalang pananampalataya

a. Bilang 14:1-17:11

b. Deutronomio 1:26-33

c. Awit 95:8-11

d. Hosea 9:10-14

e. Jeremias 2:4-13

f. Ezekiel 23

“salamin ng Kaniyang mata” Sa Englis ito ay maaaring “ang mansanas ng Kanyang mata.” Ito ay isa

na namang metapora na nagsasabi sa Israel bilang espesyal na anak (cf. Awit 17:8). Sa literal ang Hebreo

ay “maliit na tao sa Kanyang mata.”

32:11

NASB, NKJV “Gaya ng agila. . .na umaaligid sa kanyang supling”

NRSV “Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad”

TEV

“gaya ng agila na nakabantay sa kanyang pugad”

NJB

“bilang isang agila na nakamasid sa kanyang supling”

Ito ay nagpapapakita sa Diyos bilang lubhang nagproprotekta at makapangyarihang magulang (cf. v.

19). Ang konseptong ito ng Diyos bilang isang agila ay ang Diyos bilang isang inang ibon (cf. v. 18;

Genesis 1:2; Exodo 19:4; Mateo 23:37; Lucas13:34). Ang Diyos ay inilarawan na kapwa lalake (cf. v. 6)

at babae (cf. v. 11). Ang NJB at REV na mga salin ay sumusunod sa Septuagint.

32:12 “Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya” Ang terminong ito ay (BDB 94) ay

ginamit upang italaga ang eksklusibong relasyon ni YHWH Israel. Siya at Siya lamang ang naggagabay

sa kanila!

32:13 “ang matataas na dako ng lupa” Ito ay isang metapora para sa kasaganaan ni YHWH (na gaya ng

sa lahat v. 14) ay ibinigay sa Israel (cf. Isaias 58:14; Hab. 3:19).

“pulot na mula sa bato” Ito ay tumutukoy sa pulot ng ligaw na bubuyod, na madalas na namumuhay

sa biyak ng mga bato (cf. Awit 81:16).

“langis na mula sa batong pinkian” Ito ay tumutukoy sa ligaw na puno ng olibo na lumaki sa lugar na

maging ang mga dami ay hindi lalaki. Ang mga talata 13 at 14 ay nagsasalita patungkol sa masaganang

bunga ng Lupang Pangako.

364

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!