29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

nagkasala ay tunay na tumalikod sa kanyang kasalanan at bumalik sa Diyos.

Ang terminong ito ay may malawak na semantikong larangan. Ang konteksto ay krusyal sa

pagdedetermina ng ginustong kahulugan.

Ang ikalawang termino, swb, ay ibig sabihin “lumiko” (lumiko mula, lumiko pabalik, lumiko

sa). Kung ito ay totoo na ang dalawang kinakailangan para sa tipan ay mga “pagsisisi” at

“pananampalataya” (e.g., Mateo 3:2; 4:17; Marcos 1:4,15; 2:17; Lucas 3:3,8; 5:32; 13:3,5; 15:7; 17:3),

magkagayon ang nhm ay tumutukoy sa matinding mga damdamin ng pagkikilala sa kasalanan ng isa

at paglayo sa mga ito, habang ang swb ay maaring tumukoy sa pagtalikud sa kasalanan at pagharap

sa Diyos (isang halimbawa ay yaong dalawang mga espiritwal na mga aksyon ni Amos 4:6-11, “

hindi ka bumalik sa Akin” [limang beses] at Amos 5:4,6,14, “hanapin mo Ako. . .hanapin mo ang

Panginoon. . .hanapin mo ang kabutihan hind ang kasamaan”).

Ang unang dakilang halimbawa ng kapangyarihan ng pagsisisi ay ang kasalanan ni David kay

Bathsheba (cf. II Samuel 12; Awit 32, 51). Mayroong mga nagpapatuloy na konsekuwensiya para

kay David, sa kanyang pamilya, ngunit si David ay pinanumbalik sa pakikisama sa Diyos! Maging

ang masamang si Manasseh ay maaring magsisisi at patawarin (cf. II Cronico 33:12-13).

Parehong mga terminong ito ay ginamit na kahanay sa Awit 90:13. Mayroon dapat pagkilala sa

kasalanan at isang puno ng layunin, personal na pagtalikod mula dito, at gayundin ang pagnanasang

hanapin ang Diyos at Kanyang katuwiran (cf. Isaias 1:16-20). Ang pagsisisi ay may kognitibong

aspeto, isang personal na aspeto, at isang moral na aspeto. Lahat ng tatlo ay kinakailangan, kapwa

upang magsimula ng isang bagong relasyon sa Diyos at upang mapanatili ang bagong relasyon. Ang

malalim na emosyon ng pagdadalamhati ay magiging nananatiling debosyon sa Diyos at para sa

Diyos!

30:2-3 Ang kontekstong ito ay nagdadala ng isang kinakailangang teolohikal na balanse upang magbigay

ng malinaw na paghahatol sa 29:19. Ang problema ay hindi ang rebelyon, ngunit ipinagpatuloy,

nagpapatuloy na rebelyon. Ang pagsisisi ay laging posible sa bahagi ng Diyos, ngunit ang mga tao ay

pinatitigas ang kanilang mga puso ng tahasang pagrebelde at pagsuway!

“Panginoon” Ang YHWH ay ang tipan na pangalan ng Diyos na ang mga rabi ay sinasabi na

nagpapakita ng Kanyang awa (cf. Exodo 3:13-14). Tignan Natatanging Paksa: Mga Pangalan ng

Pagkadiyos sa 1:3.

“Diyos” Elohim ay ang pagkalahatang pangalan para sa Diyos kung saan ay nagsasabi ng

kapangyarihan, tapang at lakas. Ang mga rabi ay nagsabi na ito ay ginamit sa katarungan at katuwiran ng

Diyos. Ang pagkakaibang ito sa pagitan ng dalawang mga pangalan ay maaring makita sa Awit 103,

YHWH, at Awit 104, Elohim. Tignan Natatanging Paksa sa1:3.

“sumunod” Pansinin na ang “bumalik sa Panginoon” ay kahanay sa “sumunod sa Kanya” (BDB 1033,

KB 1570, Qal GANAP).

Pagsunod ay inilawaran sa personal na mga termino:

1. sumunod sa kanyang tinig - BDB 876

2. nang iyong buong puso - BDB 523

3. nang iyong buong kaluluwa - BDB 659

Ito ay kahanay sa 4:29-30; 6:5; 10:12

Pansinin ang bilang ng beses at pagkakaiba ng pakahulugan ng terminong shub (BDB 996, KB

1427):

1. “ginisin ang kanilang mga isip” sa literal ay “magdulot sa kanila na bumalik sa iyong puso, v. 1

2. “ikaw ay magbalik sa Panginoon,” v. 2

3. “ang Diyos ay magpapanumbalik sa iyo mula sa pagkabihag,” v. 3

337

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!